Bianca
Parang mga propesyunal ang mga pag arte nila habang ako abala padin sa pagkakabisa.
Napansin ko ang isang pool sa gilid nasa isang resort kami at dito magsisimula ang 2nd scene para sa party. Sana lang hindi ako patalunin sa tubig.
Pulikatin kasi ako.
Sabog ang notification ko dahil sa nangyari kagabi. Nakita na kaya ni Sebastian? Hindi niya ako pinapansin kaya malamang nabasa na niya yung nasa article.
"Ms.Bianca it's your turn" napabalikwas ako ng tayo ng marinig ko ang tawag ng director sakin. Nakabisa ko na din naman ang mga kailangan na scene at sa emotions wala na din akong problema.
"Okay Direk"
[After few hours]
"Cut!"
"Nice Ms.Agatha!"
"Great!"
"Goodjob Mr.Maxfield!"
Inabutan ako ng bottled water ng isa sa mga staff dahil sa ilang take sakin. Nakakaloka bakit kasi bulol ako sa letter r para tuloy akong tanga sa mga lines ko. Abala ako sa paghahanap ng panyo hanggang sa mapansin ko ang sumbrero na pinahiram ni Sean sakin kagabi. Hindi padin ako makapaniwala na ginawa niya yon para sakin kung tutuusin dapat pinabayaan nalang nila ako para hindi sila madamay.
"Sean" mahinang tawag ko para na din hindi masyado takaw atensyon sa ibang staff. Iniabot ko sakanya ang cap habang abala siya sa pagpupunas ng pawis. "Salamat pala dito sa cap"
"Welcome" kinuha na niya ito sabay alis. Siguro mas mabuti na hindi maging masyado malapit sakanila.
Hindi padin kami nagkakaimikan ni Sebastian sa mismong scene lang kami nag uusap dahil malamang nasa script yon.
"Hi Bianca" may malambot na kamay na tumapik sa braso ko. "Nabasa ko yung about nangyari kahapon, ayos ka na ba?" dagdag pa ni Hailey.
"Oo salamat" ngumiti ako sakanya.
"Totoo ba na may relasyon kayo ng lalaking yon dati?" ano pa nga ba ang sasabihin ko?
Malamang wala.
"Hindi naging kami" humigpit ang hawak ko sa cellphone. "Pinagpustahan...katuwaan" mapait na sambit ko habang natatawa.
"Thats bad" she said. "About to that issue don't worry manager mo na ang nag handle non"
"Oo, nakakahiya lang wala pa akong isang buwan dito may panibagong issue na naman na nangyari sakin"
"That's not your fault, masyado lang eskandalosa yung babae sa video" tinawag siya ng isa sa mga staff kaya tumayo na siya. "Mamaya nalang ulit Bianca" tango nalang ang sagot ko at eto ako ulit naiwan na naman mag isa.
*948 notifications*
Panay vibrate sa bag ko ang phone ko at halos lahat puro mention at hashtags sa twitter. Napalunok ako bago buksan ang notif at as usual tumambad ang picture namin ni Asha sa restaurant.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...