Chapter 23

19 1 0
                                    

Chad's POV

"Water break"

Tumabi si Sebastian sa'kin pagkatapos, parang magnet naman itong si Chloe kung makapulupot kay Sebastian. "Mukhang bumabalik na sa dati ah" napansin ko na parang hindi na ganoon kadalas ang pag aaway nila nang step mother niya.

"I think so"

"Malapit na din mag expire yung contract niya kaya makakaalis na siya" natitigilan nalang ito palagi kapag nababanggit ko si Bianca sa usapan. Bumungad sa news feed ko ang litrato ni Bianca at isang video clip. "Sebastian" ipinakita ko sakanya yung video na lalo ikinanlaki nang mata niya.

"F*ck.."

"Hey! What are you doing?" Sumulpot itong si Chloe kaya mabilis ko itong inilipat. Tumaas ang kaliwang kilay nito nang tumapat ito sa naka bikining modelo. "Mga lalaki talaga"

"Ano kailangan mo?"

"Just checking you, wanna hangout after the work?"

"No" deretsang sagot niya kay Chloe ngumuso ito at dumantay sa dibdib niya. "What the f*ck are you doing, Chlo-"

"The media is here, don't do anything reckless" humagikhik ito sabay halik sa labi. "Tasty" dinilaan niya ang lower lip nito bago umalis.

Dapat pala hindi ko nalang sila tiningnan.

"Nasisiraan na talaga siya" pasimple niyang pinunasan nang tissue ang labi niya. Napansin ko ang pangalan na tumatawag sa phone niya. Nagkaayos na ba sila ni Sean? Tinawag na siya nang director pero sinagot niya padin ang tawag.

"Excuse me" sambit niya sabay alis.

Pagkauwi ko sa condo sumulpot si Alyana na namumula ang mata. Mukhang galing ito sa pag iyak.

"Bab-"

"Nasaan si Sebastian?" seryoso ang tono nang pananalita niya. "Nasaan siya?! Tingnan mo ang ginawa niya sa kaibigan ko!" pipigilan ko sana na pumasok si Sebastian pero sumugod ang girlfriend ko at sinampal siya.

"Alyana kumalm-"

"Sobra sobra na dinanas nang kaibigan ko sa'yo! Halos wala na siyang mukhang maihaharap, samantalang ikaw parang hindi mo na siya kilala" kinulong ko na agad to sa'king bisig dahil mukhang susugurin niya ulit ito. "Bitawan mo'ko, Chad! Sinaktan niya si Bianca!" umiiyak na sambit niya.

"Alyana, calm down please!" humagulhol ito sa dibdib ko.

"Hindi na siya yung dating Bianca na nakilala ko, andami na nagbago, sana kung ganito lang din ang dadanasin niya sa'yo edi sana hindi na niya itinuloy!" nagpumiglas ito at naupo sa sofa. "Kaya niyang dibdibin lahat pero sobra na 'to, hindi niya deserve masaktan...tang*na gusto lang naman niya maging maayos ang lahat"

"Alyan-"

"Don't touch me!" tumigil ito sa paglapit sakanya. "Sa tingin mo ba simpleng paghingi nang tawad, maayos na 'to? Pinagpipyestahan na siya nang mga tao! Asan na yung proteksyon na ipinangako mo sakanya? Nasaan? Sarili niyong Agency pinagtutulungan siya!"

"Aayusin ko 'to, pangako"

"Wag ka mangako, gawin mo" kinuha niya ang handbag at tumayo.
"Magtext nalang ako kapag nakauwi na'ko" iniwan niya kaming nakatulala doon. Maski ako walang nasabi. Samantalang si Sebastian nakatulala at nakatitig lang sa sahig.

"I deserve that, It's all my fault. Hindi ko 'to pinag isipan nang maayos" ngumiti siya nang mapait. "Sarili ko lang ang iniisip ko"

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon