Chapter 15

14 1 0
                                    

Selos?

Bianca.

Pakiramdam ko parang isang araw lang yung pahinga dahil andito na naman kami sa panibagong scene. Kanina ko pa napansin yung puting kotse sa gilid pansin ko na madaming aligaga na stylist na panay labas pasok sa kotse.

Isa kaya siya a mga cast?

"You're spacing out, focus on the script" sabi ni Manager Han sa'kin. Siya lang naman ako pinaka sexy na 30 years old na nakilala ko. Nakakaloka mas mukha pa nga siyang bata kaysa sa'kin.

"Pasensya na, pero sino ba yung tao na nasa loob?"

"I don't know, maybe a visitor" nakatingin ito sa relo niya at bawat oras kasi nakamonitor. Kaya medyo mahigpit ito lalo na sa mga events na dinadaluhan namin.

"She's here!"

Nagpalipat lipat ang tingin ng mga staff sa kotse at sa'kin. Kaya pati ako medyo naguluhan sa ikinikilos nila.

"Manang" hawak hawak ni Sebastian ang kamay ko habang nakatayong inaantay kung sino ang nasa loob nang kotse.

Iniluwa nang kotseng 'yon ang mala dyosang babae na brown ang buhok. Hapit na hapit ang suot nitong dress sa kanyang baywang kaya kitang kita ng kurba nito.

Kumalma ka Bianca, hindi ka pwede gumaya kay Jasmin!

"Long time no see, Seb" mabilis siyang niyakap nang babae na ikinagulat ko.

Hindi kaya siya si..

"What are you doing here, Chloe?" napayuko ako. Gusto kong bitawan ang pagkakahawak ni Sebastian sa'kin pero hindi niya ako binibitawan.

"Free time ko, kaya naman pumunta ako dito para makita ka" napakahinhin nang boses niya madaming nakatingin sa'min.

Para akong matutunaw dito nakakaloka. Parang hindi manlang niya ako nakita na nasa harapan lang din niya ako.

"Oh, your girlfriend?" hinarap ako nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit biglang bumaba ang standard mo, Se--"

"Shut up"

"Meaniee~" may pakurot pa si Chloe sa pisngi ni Sebastian. "I am just saying truth based on my observation" tumingin ulit ito sa'kin. "I don't know who you are but i have my eyes on you" iniwan niya akong nakatayo don.

Ngayon alam ko na kumbakit gustong gusto nang mga tao kay Chloe para kay Sebastian.

Maganda siya.

At alam kong mas kilala niya si Sebastian kaysa sa'kin, parang wala ka nang hahanapin pa sa ganong klaseng babae.

Napakalaki nang agwat namin sa isa't isa.

Kung sino ang pipiliin samin, bakit hindi si Chloe? Atsaka bakit ako?

Bakit kasi hindi niyo manlang ako inambunan nang kagandahan (-_-||)

Mas pinagkaguluhan nang staff si Chloe at inasikaso pa nang mga ito hindi katulad sa'kin na sariling buhat minsan nang mga dalahin ko.

Break time ngayon at maraming dalang pagkain si Chloe kaya nanduon na silang lahat.

"Are you okay?" natauhan ako nang magsalita si Sebastian sa gilid ko. Kanina pa pala kami nakatayo doon.

"Oo naman! Natulala lang ako sa kagandahan nang babaitang 'yon" bakit sobrang sakit? Bakit parang nararamdaman ko na naman yung naramdaman ko kay Caleb noon?

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon