Bianca
"Kavog sabi ko na pamilyar yung lalaki nung gabing yon.Si Sebastian pala yung naka halikan mo sa concert" parang pabor pa yata kay Alyana ang nangyari sakin. Magkakaroon daw nang interview about samin ni Sebastian naka set na kaagad ang mismong sched kaya maski ako nagulat dahil hindi ko alam na ganon lang pala yon kabilis.
"Parang gustong gusto mo pa ata ang nangyari sakin? Kita mo namang batikos ang inabot ko dahil sa pagmumukhang meron ako" abala lang ito sa pagpupunas ng salamin dahil pabukas na ang ice cream parlor at siya lang ang magbabantay ngayon dito. "Sino si Chloe? Nabasa ko sa comments"
"Nabasa ko lang sa article hindi ko lang alam kung legit, ang sabi nag cheat daw si Chloe kay Sebastian na isang aktor din daw. Pero hindi nabash si Chloe support pa nga mga fans niya"
"So kahit na nang cheat ang taong yon walang kahit na anong galit?"
"Meron naman Bhie pero iilan lang, mas malaki ang majority sa support" sambit niya habang inaayos ang mga cup na nasa gilid. "Maraming fans padin na gusto nang comeback alam mo naman, pero kung ako sayo Bhie ipush mo na kung may bashers man dedma mo na kasi may proteksyon kana din dahil kay Seb"
"Hindi ko padin alam sa ngayon"
"Wait let's try habang wala pa akong customer" tinanggal niya ang naka pusod kong buhok. "Mukha ka talagang manang kasi hindi bagay sayo ang ganyang klaseng hairstyle" medyo masakit pa ang pagsusuklay niya ha.
"A-aray dahan dahan naman Alyana!"
"Parang alambre buhok mo gaga!" Hirap na hirap siya suklayin ang pinaka dulo ng buhok ko. "Ligo ligo din ha" kasabay non naglagay siya ng parang conditioner sa buhok ko kaya mas umayos ito tingnan.
"Hoy hoy! Bat mo tinatanggal blazzer ko!"
"Ang init init Bhie! Mas maganda na wala kang suot na ganto bagay naman yang damit mo. Lalagay ko nalang to sa locker ko" sabay dampot ng blazzer na suot ko kanina. Pagkabalik niya may iilang kolorete na siyang dala.
"Wag mo nga pinturahan ang mukha ko ayoko niyan!"
"Gusto mo bang pintura talaga gamitin kong foundation? Kaloka hindi naman pang js prom imamake up ko sayo" parang anumang oras babalian niya ako ng leeg kapag naglikot ako. "Ganda ganda mo e kaso nga lang ampangit mo idescribe sarili mo" pagkatapos ng ilang minutong pangangalay dahil sa pagmamake up niya sakin binitawan na niya ako.
"Ano sa tingin mo?" Namilog ang mata pati ang bibig niya masyado naman yata siyang o.a.
"Ang ganda mo!" With matching batok pa required ba talaga yon palagi? Masakit kaya. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at nakakagulat lang parang hindi ako.
Mukha pala talaga akong dugyot nung hindi ako naglalagay nang kahit na ano maski pulbos sa mukha.
"Ayos naman"
"Anong ayos? Ang ganda mo!" Niyugyog niya pa ako.
*phone rings*
Hindi naka save ang number na to sa phone ko kaya nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko. Dahil baka mga bashers lang to sa sobrang galing sa media pati number ko nalaman nila eh.
"Hello? Sino po sila?"
"Seb" tipid niyang sagot sa kabilang linya.
"Bakit?"
"Kailangan na kita dito, kakausapin ka ng agency para sa photoshoot pati na din sa interview. RS Office" naka loud speak ang phone ko kaya naririnig ni Alyana ang chismis.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...