Chapter 11

18 1 0
                                    

Bianca's POV

Ibinaba ko ang script sa center table, halos magdamag ako nagkabisa non, mukhang kailangan ko muna magpahinga saglit.

"Shuta talaga bang halikan to the max 'yon?" hindi ako makamove on kakaisip sa parte ng script na 'yon.

*Phone rings*

Nag text si kurimaw sa'kin at pinapapunta na ako sa condo niya. Magkatabi lang naman sila ng condo ni Chad kaya di ako maliligaw.

"Pagpahingahin niyo naman ako" walang gana kong sabi bago ako tumayo, nakaabang na si manong sa labas pagkatext ko. Pagkarating ko sa condo bumungad sa'kin ang tagbebenteng upo ni Sebastian.

"Nag usap kami ni direk may error na nangyari sa script" sambit niya tumabi ako sakanya at tiningnan ang papel na hawak niya. "Si Sean ang makakahalikan mo sa scene 5"

"ANO?"

"Alam mo naman na may halong love triangle 'yon kaya ano inaasahan mo?" aniya at nagkibit balikat. "Medyo nagkamali sa arrangement yung script writer kaya ayos lang yan nangyayari talaga 'yon minsan"

"Ano pa nga ba magagawa ko" ibinigay niya sa'kin ang panibagong kopya. Sa scene 5/8 lang ang may error kaya mabilis agad itong naayos.

"You look calm, Bianca"

"Mukha pa ba ako kalmado sa lagay na 'to?" tinuro ko sakanya ang pangit kong mukha. Napapaisip ako kumpaano ko makakausap si Sean dito sa scene na 'to. Malamang nabasa na niya ito.

"Pfft. Naiisip ko na kung ano mangyayari" sinamaan ko siya ng tingin sabay batok. "aray!" pero hindi padin nawawala ang ngisi nito.

"Alam mo bang matagal ko ng iningat ingatan yung first kiss ko ha!? Tas tatawanan mo lang ako diyan?!" natigilan ito sa sinabi ko.

"Oh? 25yrs old kana hindi ka manlang nakaranas ng halik?" hindi mapaniwalang sabi nito.

Sa totoo lang kay Caleb sana 'yon pero kahit kailan hindi niya ako hinalikan, sa noo at sa pisngi lang.

Hindi naman mabaho hininga ko kaloka!

"Tinatanong pa ba 'yan?" tumayo na ako. "Uuwi nako medyo masakit na likod ko kailangan ko pa labhan mga damit 'ko" nag unat ako.

Bago pa man makalayo bigla na lang niyang hinila ang kamay ko palapit sakanya. Ilang dipa nalang ang layo namin sa isa't isa.

Ang daya amoy mint hininga niya.

Sa'kin amoy samgyupsal.

"Ano na naman ba Seba--"

٩(●˙-˙●)۶

Hindi ko magawang gumalaw ang tanging alam ko lang yung labi niya nakadikit na sa'kin.

BIANCA ANO NA?!!

Narinig ko ang mahinang pagtawa niya habang ako nakatayo lang ng deretso. Hindi ko magawang igalaw ang buong katawan ko.

Pakiramdam ko nanghihina na ang mga binti ko habang tumatagal. Humigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya at unti unti na din akong napapikit at sumabay sa halik na 'yon.

Masyadong mapanlinlang ang mga halik na 'yon.

Hindi ko alam kung saan na kami napadpad pero natauhan nalang kami bigla ng makarinig kami ng doorbell.

"Yo Seb! Andito pala si Bianca" halos nanlamig ang buong katawan ko nang biglang sumulpot si Chad.

"Yeah, nag usap kami tungkol sa error sa script" sagot niya na tila walang nangyari. Inayos niya ang kwelyo nito bago nilapitan si Chad.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon