Bianca.
"Hoy ano yung napapabalita na artista kana daw?" ayan ang binungad ng tiboom kong kapatid sa kabilang linya.
"Totoo naman sis, pero one year lang ang contract ko" sagot ko naman sakanya. Medyo masakit sa tainga yung ugong sa kabilang linya nasa tapat ata sya ng fan e.
"Mag iingat ka lalo na sa trending na nakita ko, kung makakauwi lang sana ako diyan ako sasapak sa mga bashers mo" nagkakasundo talaga kami ng kapatid ko. Palagi niya talaga ako pinagtatanggol simula nung mga bata kami.
"Ako na bahala dito, paki kamusta nalang ako sa asawa't anak mo"
"Makakarating, o siya tapos na break time ko balik nako sa work"
"Ingat kayo palagi dyan" ibinaba ko na ang phone at ngayon..tinitingnan ko palang ang labahan ko nanghihina na ako sa sobrang dami.
*phone rings*
Pinaghihiwalay ko na ang puti sa de-kolor ng tumunog na naman ang cellphone ko.
"Hello?"
"Asan ka? Bilhan moko ng tea"
Ah hindi lang leading lady ang role ko sakanya? Utusan din pala ako ng isang to? Kaloka.
"May staff ka naman na pwedeng utusan wag kana dumagdag sa problema ko ha" bababaan ko na sana siya ng phone ng marinig ko sinabi niya.
"Nirarayuma kana ba Manang?"
"Alam mo Seb? Putang*na mo"
"What the--"
Binabaan ko siya ng phone sabay off atleast wala siyang bawi.
"So saan na nga ba ulit tayo" nag unat ako bago sumabak sa matinding kusutan sa isang linggo kong tambak na labahan.
~•~
Chad.
Gusto ko tumawa sa hindi maipintang mukha ni Sebastian. Malapit lang ako sakanya kaya narinig ko ang sinasabi ni Bianca sa kabilang linya. Ibang klase din ang talas ng dila ng isang yon.
"Tsk. Ang babaeng yon talaga" aniya at parang masisira na ang phone nito sa pagpindot.
"Kakaubos mo lang ng isang tea tapos magpapabili ka ulit?" hindi niya ako pinansin at nakabaling lang ang atensyon niya sa cellphone niya.
"Sebastian" napalingon kaming parehas ng sumulpot ang manager niya na may hawak na schedule. Kung titignan parang wala silang pahinga sa mga susunod na araw.
"Here's your schedule for the shoot and promotions for your upcoming movie , pakibigay nalang din ito kay Ms.Aragon" ako na ang tumanggap sa list ni Bianca samantalang parang walang ganang kinuha ni Sebastian ang kanya.
"Dang, kaya ba ni manang yung ganitong trabaho?" Napangisi ako sa narinig ko.
"Worried?"
"Wag mo lagyan ng malisya Chad matanda na kasi siya baka rayumahin" nakanguso niyang sabi sabay napaiwas ng tingin.
"I forgot to say this, bukas niyo na din makikilala ang mga cast sa movie" pahabol ng manager hanggang sa tuluyan na din itong umalis.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...