Chapter 21

14 1 0
                                    

Bianca

"So ayon ang chika don? Nakakaloka ilang linggo kang tahimik gaga ka." Hindi ko na pinansin yung pagbatok ni Alyana sa'kin. Kahit kailan talaga 'tong babaita na 'to nagagawa padin manakit.

Simula nang malaman na ng media ang hiwalayan namin ni Sebastian nagdiwang pa ang fans sa twitter at katulad padin ng dati nakakatanggap ng mga regalo na hindi kanais nais. Sinabihan na ako nang manager ko na kung may balak pa ako mag renew nang kontrata ko pero nagdadalawang isip ako kung ipagpapatuloy ko padin ba.

"May mga rumor na sa twitter na nagkakamabutihan na ulit sila ni Chloe at siya na ulit yungg leading lady niya sa next movie" hindi na ako umimik dahil sa bawat litrato nilang dalawa nila Chloe, minemention ako ng mga fans nila sa comment. Tahimik ako sa loob ng tatlong linggo ni hindi ako lumalabas nang condo ko dahil pakiramdam ko hindi na ako safe dito.

Napakinabangan na ako ni Sebastian, mayroon padin akong proteksyon dahil syempre hawak padin ako nang agency pero hindi naman ako ligtas sa masasakit na salita galing sa mga tao na nasa social media.

"Hoy gaga ka, may bisita ka"

Hindi ko namalayan na nandito pala si Sean sa gilid ko may dala siyang pagkain.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa, sagutin ko lang 'tong tawag ni Chad" Tinanguan lang namin siya ni Sean at tumabi na ito sa kinauupuan ko.

"Kumusta?" panimula niya.

"Hindi maayos" deretsang sagot ko. "Tatlong linggo na yung issue hindi padin nagsasawa ang mga tao, maski number ko kahit ilang beses ako magpalit may mga natatanggap akong messages"

"Damn, talagang hindi ka nila tinitigilan" inabutan niya ako nang ice cream. "Binili ko yan para sa'yo libre ko na 'yan, sabi kasi ni Alyana ilang araw ka nang hindi lumalabas nang condo"

"Pinapahupa ko lang yung galit nang mga tao sa'kin, lalo na yung asawa nang tatay ko na wala pading tigil kakahingi nang pera sa'kin" nakaramdam ako nang pangingilo nung kumain ako nang ice cream. "Salamat sa treat, Sean. First time ko nakatikim ng magnum" natatawa kong sabi.

"About to your contract, may balak ka bang mag renew?"

"Hindi ko din alam, nagdalawang isip ako nung tinanong ako nang manager ko."

"If i were you, hindi na ako pipirma"

"Pero ang sabi sa'kin nang manager ko na tumaas ang ratings ko, sa bash" natatawa kong sabi. "Sa ginagawa ko sinisira ko lang pagkatao ko, kahit sa mga cafe iba trato nila kapag ako yung customer, baka nga madumi yung inumin na ibinibigay sa'kin, hindi ko alam kung ano ba talagang kasalanan ko sakanila para gawin nila sa'kin 'to. Hindi ko din naman 'to ginusto e." nag iba ang timpla ang mukha ko. "Masakit..sobrang sakit, Sean. Kahit empleyado palang ako noon parang nandidiri yung mga tao sa'kin, para akong sakit sakanila na ayaw nila na madikitan dahil baka mahawaan" Niyakap niya ako nang mahigpit. "Pinakawalan ko na si Sebastian, dahil ayoko siyang mahirapan pero ako hindi ko na magawang tulungan ang sarili ko. Mahal ko yung tao pero hindi kami pwede, hindi kami parehas nang nararamdaman, hindi ako nababagay sakanya, masyado akong mababa sa paningin nang iba"

"Wala akong pakialam kung ayaw sa'yo nang lahat, hindi kita iiwanan mag isa, pangako" hinagod niya ang likod ko. "You need to take a rest, Bianca. Alam kong wala kang maayos na tulog kaya kailangan mo magpahinga" ginulo niya ang buhok ko bago siya tuluyang umalis.

~•~

Sadyang maliit nga ang mundo ika nga dahil parehas lang naman kami nang project.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon