Alyana's POV
Nakalabas na din si Lolo sa hospital napaisip ako kung kamusta na si Bianca ngayon. Ilang araw na siyang hindi lumalabas ng condo palagi nalang ganito ang nangyayari sakanya pero mas malala na ngayon. Lalo na't wala na siya sa agency.
"Babe tulala kana naman diyan" tinapik ko ni Chad kaya natauhan ako. Umayos ako ng upo sa sasakyan at sumandal sa salamin. "Pupuntahan ko muna si Sebastian" huminto na ito sa condo ko, humalik ito sa noo ko bago ako pinababa.
"Ingat sa biyahe" sambit ko at tuluyan na niya akong iniwan doon. Napansin ko na abala ang mga staff sa pag aayos nang gamit ni Bianca sa condo lalo ko kinabahan.
"Kuya ano po ginagawa niyo nasaan na po si Bianca? Siya yung may ari nang room na 'yan"
"Binenta na po niya ito" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Actually kakaalis lang po niya ngayon, may bumili na din kaagad"
"Salamat" dali dali ko kinuha ko ang phone para tawagan si Bianca pero naka off ang phone nito.
"Ang babaitang 'yon! Hindi manlang ako sinabihan, pinag aalala pa'ko!"
~•~
Third Person's POV
Buo na ang desisyon niya alam niyang masasaktan silang parehas pero ito nalang ang naisipan niyang gawin para hindi na ito dumagdag na pabigat sakanya.
"Pumirma nalang po kayo dito, at kami na po bahala mag settle sa buyer" nanginginig ang kamay niya na pinirmahan nito ang kontrata. Gusto niya muna magpakalayu-layo. Hindi na siya pwede manirahan dito lalo na sa mga nangyari.
"Bianca" napaatras siya nang makita niya si Chloe na may maamong mukha. "Masaya kana?"
"Chloe, ayoko na ng gulo"
"Alam mo bang tinanggihan ni Sebastian ang kontrata??" nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "Ayon ang matagal na pinaka aantay nang ama niya..pero dahil sa'yo nagkanda leche leche lahat.. Dahil sayo nasa hospital ang ama niya dahil hindi ito nakayanan nang puso niya" nakatalikod lang ito kay Chloe pero tuloy tuloy ang pag agos nang luha niya.
Kasalanan niya.
Kung sana umalis na siya nung una palang.
"Bianca..iniisip lang naman niya ang makabubuti sakanya pero.. Nilason mo ang utak niya.. Marami pang mararating niya gusto mo ba na lumubog siya dahil sa'yo?" nakarinig na siya nang paghikbi mula kay Chloe. "Alam kong sa oras na lumayo ka, titigilan ka niya, isipin mo ang ikabubuti ni Sebastian.. Marami pang iba diyan Bianca, alam mong hindi ka magugustuhan nang daddy niya dahil na din sa malaking epekto mo sakanya sa showbiz"
"Hindi mo na ako kailangan utusan, aalis na talaga ako"
"Ilang beses mo nang sinabi 'yan, gusto ko lang makasigurado" aniya. Hinarap niya ito kahit basang basa ang mukha niya dahil sa luha. Hindi na niya ito napunasan. Ipinakita niya ang kontrata na ibinebenta na nito ang condo niya. "Wag kayo mag alala basta ang sa'kin lang, alagaan mo siya, masaya na'ko don" bago pa man ito humagulhol ay tumalikod na ito at naglakad palayo. Dala dala na niya ang bag niya at iba pang mga gamit.
Nakapag book ito nang flight papuntang Siargao, nanduon nakatira ang lola niya at habang inaasikaso ang papeles niya papuntang ibang bansa. Napagdesisyunan niya na tumir nalang doon kasama ang nanay niya. Masyado nang masikip ang lugar na ito para sakanya.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomansaTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...