Tila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...
Nakakadistract naman 'to kaharap required ba talaga sa kanila na kita cleavage?
Kalma Bianca masyado ka lang bitter kasi wala ka non. Pero seryoso halos luwa na e hindi na normal 'yon. Nasa kotse niya ako at wala naman siyang driver kaya makakapag usap kami dito ng walang nakikinig.
"Dahil sa'yo bumaba ang ratings ni Sebastian, alam mo ba 'yon?" Napalingon ako sa sinabi niya. "Sa oras na magpatuloy pa kayong dalawa baka maangatan na siya ng mga baguhan" nagsindi ito ng yosi nag abot pa nga sa'kin ng isa e hindi naman ako naninigarilyo. "I know a lot about him, Bianca. Lahat ng problema niya alam ko, kaya sana ikaw nalang din ang magpaubaya kung talagang mahal mo siya"
"Ginusto niya na ako ang maging leading lady niya sa movie dahil ayaw niya sa'yo at kung pagdating sa salitang pag uubaya bakit hindi mo mismo tanungin si Sebastian" oha palaban ang manok niyo.
"Bianca, marami pang lalaki diyan..ayaw sainyo ng mga tao kaya mabuti pa itigil niyo na, hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan niya ngayon, lumala ang away ng magulang niya dahil 'yon sa'yo. Malapit na mawala ang lahat sakanya at ang buong angkan niya sinisisi siya dahil sa kapabayaan niya na ikaw ang pinili niya" hindi ko magawang umimik. Dahil ba sa mukha akong manang kaya galit sa'kin ang mga tao? Dahil ba sa gusto nila si Chloe para kay Sebastian kaya siya nahihirapan ng ganito?
"Mataas ang standards ng magulang niya kaya gusto ko siyang tulungan, big deal sakanila ang ratings ng isang artista na nagpapatuloy sa nakasanayan nila..sana pag isipan mo ito Bianca, alam kong masasaktan ka pero mas nasasaktan si Sebastian dahil malaki ang responsibilidad na mayroon siya" binuksan ko na ang pinto ng kotse. Hindi ako umimik at nagsimula ng maglakad.
Habang tumatagal mas palala ng palala ang mga nalalaman ko ngayon. Nakita kong bumaba si Sebastian mula sa building at sinalubong siya ni Chloe ng halik na sana hindi ko na nakita pa.
Tumingin silang dalawa sa'kin halos hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko.
"Pasensya na...hindi ko alam na ganito ang mangyayari, pero siguro tama nga siya na kung mahal kita kailangan na kitang ipaubaya" at unang una hindi ko alam kung parehas kami ng nararamdaman o sadyang umaasa lang ako na baka sakaling meron. May kakaunti sa puso ko na nagsasabi na baka nga meron. Pero puro nalang na ako magbabaka sakali? Masyado ko nang sinasaktan ang sarili ko. "Nakakalokang pag ibig 'to" napabuga ako ng hangin bago ako tuluyang pumasok sa kotse.
~•~
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
(Ctto)
Nakatingin lang ako sa mga photoshoots nila Sebastian at Chloe masasabi ko na talagang bagay na bagay sila at mukhang kabisado na nila ang isat isa. Sa mga komento palang ng mga tao ay gustong gusto talaga nila na silang dalawa ang magkasama.