Bianca.
Infairness bongga din nag artista ha may taga paypay. Nakaupo lang kami sa gilid habang inaantay namin ang bawat scene na kinakailangan kami.
"Ms.Bianca do you need some drink?" sabi nung staff sa'kin. Tutal kanina pa'ko panay lamon ng chichirya dito kailangan ko na rin uminom. Tinanguan ko lang siya.
"Lights!Camera...Action!"
May mga iba pang cast na hindi 'ko nakakausap parang masyado kasi silang mailap at iilan doon ay may mga edad na.
"Oh hey Bianca~" tumabi itong si Hailey sa'kin na kakapalit lang nang bagong damit. Nagpagulong gulong ba naman sa putik kanina.
"Hi"
"Kamusta? Next scene na yung sainyo ni Sean, napag usapan niyo na ba?" sambit niya, umayos ako nang upo bago ako nagsalita.
"Yes, ang sabi niya kasi sa'kin medyo kulang sa kissing scene kaya magdadagdag kami"
"Alam mong perfectionist 'yang si Sean, ganyan na ganyan talaga siya kapag hindi siya satisfied sa binibigay na lines sakanya"
"Mahilig talaga siya mag adlib minsan?" tumango ito.
"Kaya napakalaking opportunity na makasama siya sa movie dahil sobrang natural nang acting niya, marami ka matutunan sakanya" aniya habang nilalaro nito ang kanyang daliri. "Same with Sebastian, parehas sila nang kakayahan pagdating sa pag arte sa mga scene like action and romance, kaya pagnaipapalabas sa cinema ubos kaagad ang ticket"
"Napapaisip ako kumbakit niya ako pinili sa ganitong role, alam mo naman na hindi ako gusto nang mga tao, maraming galit sa'kin, may posibilidad na pati ang sales madamay dahil na din sa'kin"
"Don't worry about that, may tiwala sa'yo si Sebastian nakikita ko 'yon" talaga bang may tiwala siya sa'kin o dahil lang para na din sa sariling reputasyon niya?
Bakit ba kasi ito pa yung paraan na naisip nang lalaking 'yon?
"Bianca!! Sean!!" tumayo kaagad ako nang marinig ko yung direktor.
"Goodluck, Bianca" nginitian ko si Hailey bago ako tuluyang umalis.
"Sakto lang dating 'ko, Hi bhie!" itong si Alyana parang dumaan pa sa matinding bagyo dahil sa magulo nitong buhok.
Ngumiti ako sa gagita kong kaibigan na may dala pang cartolina. May pa banner si bruha.
"Ready?" natigilan ako nang sumulpot si Sean sa gilid ko.
Tumango ako at ngumiti.
〒_〒 pasmado na kamay ko kanina pa ako nangangatog e. Kaso nakalimutan ko lang nang ilang minuto yung kaba dahil nagchika itong si Hailey.
"Go baby"
Nilingon ko si Sebastian na nakangisi, malamig lang itong nakatitig napaiwas kaagad ako nang tingin dahil lalo pa dadagdag ang kaba ko.
"Lights..."
Ngayon lang 'tong chuchakan kumalma ka Bianca.
Inhale..
"Camera..."
Acting lang 'to wag ka kabahan.
Exhale..
"ACTION!"
"Tiffany!" hinawakan niya ang kamay ko. Nagpagulong gulong kami para makaiwas sa mga pagsabog.
BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...