Epilouge

70 3 4
                                    

Sebastian's Point of View

"I promise to be your guiding light in the darkness, a warming comfort in the cold, and shoulder to lean on when life is too much to bare on your own."

"Today, surrounded by all of your loved ones, I choose you to be my husband. I am proud to be your wife and to join my life with yours. I vow to support you, inspire you, and love you always. For as long as we both shall live, I will be by your side–for better or worse, in sickness and health, for richer or poorer. You are my one and only today and every day"

Nakangiti ako habang nanonood sa kanilang dalawa, masayang masaya siya at katumbas non ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na nagawa pang tingnan nang itinaas na ni Sean ang belo ni Bianca at ginawaran ito nang isang halik sa labi.

Kung hindi lang sana ako naging gago noon, kung hindi ko lang sana siya niloko. Masaya pa sana kami hanggang ngayon.

Flashback

"Umalis kana dito, Bianca! Pwede ba? Ayoko na ano pa ba ang salitang ayoko na ang hindi mo maintindihan?!" Nakita niya lang naman kami nang babae na nagmakake out sa condo ko, ako na din tumapos dahil nakakarindi na siya. Masyado na ako nasasakal sa pagiging iskandalosa niya.

"Ano ba ang nagawa ko sa'yo? Binigay ko naman lahat! Bakit mo ba ginagawa sa'kin 'to?!" Lumuhod siya sa harapan ko pero wala akong pakialam, alam naman niyang parehas kaming sikat at may kakayahan ako na gawin ko ang gusto ko pero palagi nalang siyang tutol sa lahat.

"Masyado nang nakakasakal bian-"

"Sebastian girlfriend mo'ko! Tapos harap harapan ko nakikita ang ginagawa mo! Wala naman akong balak pigilan ka sa mga bagay na gusto mo pero bakit ganito?! Eto yung gusto mo? Sasaktan mo ako nang harap harapan?" Masyado na siyang nakakaingay sa condo kaya sinaraduhan ko na siya nang pinto. Hindi ko na ito pinansin kahit ilang beses pa siya magkakakatok, tinanggal ko na din yung doorbell para hindi na tumunog kung paulit ulit niya 'to pipindutin.

Kinabukasan okay na kami ulit, ganoon siya kamartir. Kahit na hindi ako humihingi nang tawad ay ayos lang sakanya.

Pero sumunod na mga araw nag iba na din ang kilos niya parang lumamig ito at hindi na siya ganon kadaldal kahit pagkatapos nang trabaho.

"Sebastian pwede ba kitang makausap kahit saglit" hindi na ako umimik at sinundan ko siya sa gilid kung saan walang makakakita sa'min. "Nakita ko kayo nung isang aktres na nakatrabaho ko. May relasyon ba kayong dalawa?" So eto palang yung dahilan kumbakit nag iba kilos niya?

"Nagkikita kami, ano naman pakialam mo kung may relasyon kaming dalawa?"

"Sebastian" here we go again. Iiyak na naman akala niya maaawa ako sa pag iyak niya. "Hindi ko na 'to kaya" dagdag niya pa. "Pero isang pagkakataon nalang 'to papapiliin kita" hindi ko siya inimik at inantay ko nalang siyang magsalita.

"Hihiwalayan mo siya o hihiwalayan kita"

"Seryoso ka ba sa tanong na 'yan? Ilang beses na ako nakikipag hiwalay sa'yo pero nandito ka padin, panay dikit sa'kin. Tapos sasabihin mo sa'kin 'yan? Nagpapatawa ka ba?"

"I will take that as the answer" ngumiti siya kahit nasa kalagitnaan nang pag iyak. "Goodbye, Sebastian sana maging masaya ka" pinanood ko lang siya na maglakad palayo. Hindi padin ako makapaniwala sa sinabi niya ay malamang hindi rin ito makakatiis at babalik ulit sa'kin.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon