Chapter 14

16 1 0
                                    

Bianca.

"Si Victoria Pokpokalets pala 'yon" nakangalumbaba si Alyana habang hindi matigil sa kakadutdot nang cellphone. "Nakakaloka naman pinandigan na magulang mo siya eh mukha namang pera"

"Mabuti nalang kamo napadaan sila Chad sa condo ko kundi pinaglalamayan na'ko, grabe makabugbog yung tatay ko wala padin pinagbago" sambit ko bago tumikim nang sorbetes. "Nagsumbong ang bruha na sinaktan ko siya kahit hindi naman"

"Well ano pa ba ang aasahan mo sa ganong klaseng tao" aniya. "Pansin ko bhie napapadalas kana mag dress ah?" Pangiti ngiti pa ito.

"Nasanay nalang ako"

"Aba dapat lang no! Gumanda ka simula nung napunta ka sa showbiz hindi kana mukhang ermitanyo" kung wala lang yung boss ni Alyana dito makukutusan ko 'to eh. Biglang nag ring yung bell pagkabukas nung pinto. Si Dave yon at may kasamang babae. Medyo malayo ang pwesto nila kaya hindi niya ako napansin.

Kahit kasi na nakadisguise sila nakikilala ko na sila kaagad dahil nasasanay nalang kami lalo na kapag nasa pampublikong lugar.

"Napapadalas na si Dave dito sa shop" Sambit ni Alyana. "Hindi 'yan yung babae na nakasama niya kahapon" parang nagkakaroon na tuloy ako nang ideya kung anong ibig sabihin non.

Pero malay mo marami siyang kaibigang babae.

"Nababasa ko sa mga tweets na marami na din siyang mga artista na naging girlfriend niya, walang nagtatagal, playboy ata" kahit talaga sa media chismosa talaga si babaita.

"Ganyan na ganyan si Caleb noon"

"Aba hindi ka ba naman shunga nagpapaniwala ka na girl bestfriend niya pero nakikita mong nakikipag chukchakan"

"Eh anong gagawin ko? Hindi naman niya ako girlfriend"

"Siya yung nagpapakita nang motibo kaya dapat magalit ka babae ka din, wag mo hayaan na binababoy ka nang lalaki" nakakaloka ngayon ko lang siya nakita na ganyan kaseryoso. "Kaya kung ako sa'yo harutin mo si Sean or si Sebastian bet ko sila for you bhieee~" binabawi ko na yung sinabi ko. Inirapan ko nalang ang babaita bago ibinalik ang tingin kila Dave.

"Mabait naman si Dave, lalo na nung sa mga naunang shoot namin sinamahan niya ako magrelax"

"Pero baka kasi umandar pagiging babaero kaya mag iingat ka" dagdag niya. Tumayo na muna ito at naglinis nang lamesa na kakaalis lang ng customer.

Dapat ba talaga ako nagtiwala kay Dave.

"HWAWAWAWAHHAHAHAH~"

(°ロ°٥)

Yung tawa nung babae rinig na rinig mula dito. Alam mo yung tawang uwak na hindi mo alam kung natatawa ba o naghihingalo na.

"Aswang kaya 'yon bhie? Umiyak yung anak nung customer sa kabilang table natakot ata" hinahampas na nung babae si Dave habang hindi parin matigil sa pagtawa. Nag pick up line siguro si Dave tas kinilig si shunga.

"Aalis nako, baka mamaya mainip na naman si Manong"

"Ingat bhie basbasan mo nalang ako nang chismis kapag meron" sakto din naman na umalis na din si Dave at kasama padin niya yung babae. Nakakacurious tuloy kung saan sila pupunta.

Manong paumahin dahil medyo naimpluwensyahan ni aling marites sa pagiging top global chismosa.

"Bolero mo talaga! HUAWAHAHA" naloloka talaga ako sa tawa rinig hanggang kabilang kalsada. Para syempre hindi magmukhang stalker sa kabilang kalsada ako naglakad.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon