Chapter 32

26 1 0
                                    

Third Person's POV

"Nakakapuny*ta" isinalampak ni Andrea ang kanyang sarili sa sofa. "Malapit na ang mismong event hanggang ngayon hindi niyo padin mahanap si Sebastian, paano kayo natakasan nang lalaking 'yon? Samantalang tatlo kayo ang nakabantay sakanya?!" Hindi ito nakasagot nanatiling nakayuko ang kanilang mga ulo.

"Mom, huminahon lang kayo" hahawakan sana siya ni Tristan pero hinawi na siya kaagad nito.

"Sinabihan na kita na bantayan ang mga kilos niya pero tatanga tanga ka din" naitikom nito ang kanyang bibig. "Ano nalang ang mangyayari sa buhay natin kung ayaw niyo sumunod sa'min?!" May halong pagkagigil sa boses nito.

"Pero ginagawa ko naman po yung—"

"Mas malaki ang mawawala kay Sebastian, at ikaw isa ka din na tanga na pinabayaan mo siyang makatakas!"

"Andrea, kumalma kana muna" pigil naman ni Hendrick sakanya.

"I can't still find him, pero alam kong tinatago nila si Sebastian" sumulpot si Chloe na halos makita na ang kanyang dibdib sa sobrang fit nang suot nitong dress. "So what are we gonna do now? Iaalis ko ang aggreement kapag wala siya"

"Please give us a time" sabi ni Andrea kay Chloe na nakapamaywang. "Malaki ang oportunity na mawawala sa oras na hindi na dumalo si Sebastian"

~•~

Isa sa malaking event ang dinaluhan ni Tristan para sa mga baguhang artista kagaya niya. Narito ang iilan sa kaibigan niya na pinalad din na makapasok sa pag aartista. Sa gabing 'yon ay mabibigyan sila nang award sa isang taon nila sa showbiz.

"Nice suit, ano na pala balita sa kuya mo?" Sambit nang kaibigan niyang si Eric. "Ano ba problema?"

"Mahabang storya" sagot niya dahil ayaw na din niya na ibang may makaalam sa nangyayari pa sa loob nang pamamahay nila. "Naimbitahan ba ang mga parents mo?" Umiling naman si Eric.

"Nope, ako lang binigyan nang invitation"

"Napakaraming media ano? Hindi na ako kinakabahan dahil nasanay na din" sabi niya at kumaway pa sa mga walang tigil na pag flash nang mga camera. "Look! Naghihiyawan sila oh"

"Stop it, masyado na dumadagdag sa ingay baka masita pa sila" sabi niya at inayos ang kwelyo nito. Lumapit na sila stage at nagpakilala sa mga guest at sobrang daming tao ang dumalo sa event na 'yon.

"Tristan, can i have an autograph please?" Sabi nung isang babae, hindi naman ito nagdalawang isip na bigyan ito nang autograph. "Thank you!"

"Nako parehas talaga kayo ni Sebastian, mga lapitin nang babae" tinapunan lang niya nito nang tingin, patuloy lang ito nanunuod sa mga host.

"The newcomer of the year...goes to...Tristan Maxfield!" Hindi pa ito kaagad nag sink in sa utak niya at tinulak pa siya ni Eric para makapaglakad. Habang hawak hawak niya ang trophy ay hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya.

'Bakit parang hindi ako masaya?' Sabi niya sa kanyang isip. Pinilit niyang ngumiti sa camera kahit na alam niyang hindi siya masaya sa nakuha nitong award. Dahil simula't sapul hindi naman talaga ito ang gusto niya.

Pangarap niyang maging pintor.

Pero dahil sa kagustuhan nang kanyang magulang wala siyang nagawa kundi sumunod. Kung sana may kakayahan lang siyang sumuyaw kagaya nang kuya niya. May sumagi sakanyang isip na nakapagpangiti sakanya.

'Tama ang ginawa ko' dagdag niya pa.

"Congrats!" Nakipag apir ito sa kaibigan niya. "Sabi ko sa'yo e ikaw ang mananalo do'n!"

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon