Third Person's POV
"Kuya" hindi niya inimik si Tristan na may dala dalang tray nang pagkain para sakanya.
"Get the f*ck out of here" mariin niyang sambit at nakataupo lang ito sa sulok. "Masaya na kayo?" Dagdag niya pa na may halong panghihina sa boses niya. "Masaya na kayo sa nangyari sa buhay ko?"
"Kuya hindi ko na din kaya" naiyak ito at lumuhod sa harapan niya. "Itatakas kita dito" kinuha niya ang isang papel na nakalukot sa bulsa nito. "Narinig ko yung pinag usapan nila mommy at nang doctor na may hawak kay Sabrina" ibinigay niya ang papel at binuklat 'yon ni Sebastian. "Dyan siya nilipat dahil naalarma sila dahil baka mahanap niyo siya"
"Pinaglalaruan mo ba ako?"
"Kuya buong gabi na ako binubulabog nang konsensya ko, alam kong malala na ang sakit ni Sabrina at hindi ko kakayanin na pagsisihan ko ito sa huli lalo na't may alam ako kung nasaan siya" umiiyak nitong sambit. "Gusto ko na din makalaya..pakiramdam ko wala akong kalayaan sa pamamahay na 'to" dagdag niya pa.
"Paano mo ako matutulungan? maraming nakalibot sa bahay"
"May isang lugar kung saan walang nakabantay. Kailangan lang natin maging maingat dahil konting pagkakamali hindi kana makakalabas pa dito" aniya at inilagay ang dala niyang susi sa palad niya. "Kuya..tapusin na natin 'to alam kong may itinatago sila kaya ginagawa nila sa'tin 'to"
"I know.." nagsimula na silang kumilos at sa pagkakataong 'yon ay nabuhayan ulit nang pag asa si Sebastian. "Just tell me your plan" tumango ito.
~•~
"Musta?" Sumulpot si Chloe na nagsisindi ng yosi. "Habang tumatagal nababaliw na 'yang si Andrea, hindi ko alam kung nasa tamang pag iisip pa ba siya" umirap pa ito at naupo sa sofa.
"Ayaw na ayaw nila na binabanggit ko kay Uncle Henry simula nung nakita ko yung picture nila ni dad"
"Oh? Hindi mo pa ba alam? He died in accident" nagulat si Tristan sa narinig niya. Bakit ganon nalang ang galit nila? Samantalang matagal na itong pumanaw? "Pero hindi natin alam kung ayon ba talaga ang katotohanan"
"Ibig sabihin may kinalaman sila don?" Nagkibit balikat lang si Chloe.
"I dunno, maybe." Tiningnan siya nito. "Sigurado kana ba dito? Tandaan mo magulang mo parin sila" alam niyang mahirap 'to para sakanya pero hindi na kaya nang kanyang konsensya na makita na naghihirap si Sebastian.
"Ginagawa ko ang tama" sagot niya at hindi na ito nagsalita pa. Pinanood lang niya ang mga guards sa bintana na natataranta kakahanap kay Sebastian. Maging ang kanyang ina na nagpupuyos sa galit at pinagsasampal ang iilang mga tauhan niya. "Thank you for helping me, Chloe"
"I'm doing the right thing, just like you" aniya at tuluan na siyang nilisan sa kwartong 'yon.
~•~
Habang papalapit ito sa kanyang destinasyon ay bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Hawak hawak niya ang papel at inaantay nalang niya magbukas ang elevator kung nasaan ang kwarto nito.
Room 105
Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya may halong tuwa at lungkot dahil ito na ang una at huling pagkakataon na magkikita sila.
*Door opens*
"Sino— S-Sebastian? Anak ikaw ba 'yan?" Halos nanlumo ito sa kanyang kinatatayuan nang makita niya ang kalagayan ng kanyang ina. Nakabonnet na ito at malamang ay nakalbo na dahil sa kanyang therapy. "Anak galit ka padin na sa'kin?" Hindi na siya sumagot at niyakap niya ito nang mahigpit.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...