Third Person's POV
"Are you excited for the next big opportunity son?" nakangiting sambit nang kanyang ama habang abala sa paghihiwa nang chicken. "Ito na yung pinakamatagal na inaantay mo" hindi siya umimik at tahimik lang na ngumunguya.
"Kinakabahan lang siguro siya, Hendrick" sabat nang kanyang Uncle.
"Yeah, alam niyo naman kung gaano kalaking pressure 'yon kay Sebastian, but don't worry nandito naman ako" nagpanting ang tenga niya nang marinig niya ang sinabi ni Chloe. "Well that's my duty as a girlf--"
"You're not supposed to be here" sabi ni Sebastian lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kutsara pero nanatili lang itong kalmado.
"Don't be rude, alam mo naman kung gaano kalaki ang ambag ni Chloe sa'yo" sambit ni Andrea at sumang ayon naman ang kanyang ama.
"I can do what i want without her"
"Sebastian stop being stubborn" utos nang kanyang ama na habang tumatagal naiinis na ito sakanya. "Bakit hindi ka gumaya sa kapatid mo? Alam ni Tristan na makabubuti ito sakanya"
"Sainyo oo, pero paano naman ang pangarap na gusto ko?"
"Hendrick and Sebastian..calm down" pigil nang kanyang Auntie na si Caroll. "Palagi nalang kayong ganyan"
"Even my right to talk to my mother"
"Iniwan kana nang mommy mo, ano pa ba ang kailangan mo para hanapin mo pa siya?" napaatras si Andrea nang tinitigan siya nito sa kanyang mata.
"Ano bang pakialam mo?"
"Sebastian!" hindi na nakapagtimpi ang kanyang ama kaya napagtaasan niya ito nang boses. "Umalis ka nalang dito kung wala kang magandang sasabihin! Sinisira mo lang ang araw ko!"
"Yeah, I feel the same way dad" tinalikuran niya na ito at tumungo sa kanyang kwarto. Pero natigilan ito nang makitang bukas ang kwarto nang kanyang ama. Kaya habang abala ito sa baba sinamantala na niya ang pagkakataon na pumasok sa loob.
Napansin niya ang lumang litrato na nakaipit sa libro. Maingat niyang hinawakan ito dahil anumang oras ay parang mapupunit ito.
Napakunot ang kanyang noo dahil hindi pamilyar sakanya ang lalaki na nasa litrato. Lumang litrato 'yon nang kanyang ama na may kaakbay na lalaki pero hindi niya matukoy kung sino ito.
Halos lahat kilala niya ang miyembro nang kanilang pamilya. Pero makikita sa litrato na para silang pinag biyak na bunga. Ang tanging pinagkaiba na lamang nito ay ang buhok at ang nunal na nasa kabilang bahagi nang pisngi nito.
Pagkasilip nito sa likod nang litrato ay may nakasulat.
Hendrick & Henry 1996
Pagkarinig niya nang yabag paakyat ay dali dali niya ibinalik ang litrato.
Henry.
Hindi niya pa narinig 'yon mula sa lolo't lola niya at maski din sa kanyang ama. Magkamukhang magkamukha sila na halos hindi niya alam kung nasaan ang ama niya na nasa litrato. Tila parang repleksyon lang sa salamin.
May kakambal ito na hindi niya man lang nalaman ito?
Bakit itinago nila 'yon sakanya?
Nakasandal nalang siya sa pader at taimtim na nag iisip. Habang tumatagal lalo nagugulo ang lahat. Kung magtatanong din naman siya sa kanyang ama ay malamang hindi rin naman siya sasagutin nito kagaya nalang nang paghahanap niya sa kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...