Chapter 6

30 1 0
                                    

Bianca

"Ano set up?" Naiwan kaming dalawa sa loob ng room para maayusan na kami sa make up. Actually ako lang talaga ang mas matatagalan dahil hindi naman kinakailangan lagyan ng kolorete si Sebastian. "Kaloka. Anong sasabihin ko sa interview? Na hinatak mo lang ako ganon?"

"Tanga ka ba? Edi nagmukha naman akong walang taste" ang kapal talaga ng mukha na taray tarayan ako. Samantalang siya naman ang may pakana ng lahat ng to tas may gana pa akong sungitan?

Parang anumang oras magsasapakan na kami.

"Basta sumang ayon ka nalang sa lahat ng sasabihin ko" napaka gandang ideya! paano nalang kung ano ano nalang sabihin niya tungkol samin? Hindi ko siya masasapak sa harap ng camera. Mapapanood ako nila nanay na hindi nila alam na pumasok ako dito.

"Umayos ka sa pananalita mo on cam" banta ko pero nginisihan niya lang ang sinabi ko. "Baka natatandaan mo may pinag usapan tayo"

"Alam ko..just watch me baby" kumindat pa ang abno. "Hindi ka ba tinatablan sa charms ko? Ms.Aragon?" napaatras pa ako ng kaunti sa sinabi niya talagang nagtanong pa talaga siya saakin ng ganyan ha.

"Joke ba yan?" nagkibit balikat nalang ako bago ko siya talikuran. Kahit ang totoo gusto ko maglupasay sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ako pwede mahulog sa lalaking kagaya niya. Hangga't maaari kailangan ko umiwas.

Shuta. Kahit na sabihin mong magiging artista ako mananatili padin akong ganito. Tatapusin ko lang ang kontrata at pagkatapos non ititigil ko na. Ayoko sumikat sa ganitong paraan pero dahil ito ang pinaka magandang solusyon sa ngayon sasabay nalang ako sa mga susunod mangyayari.

"Mas maganda yung suot mo kahapon bumalik kana naman sa manang na pananamit mo" maski ako napatingin sa suot kong blouse na natatakpan ng blazzer. "Mukha ka ng biyuda sa suot mo e."

"Ano namang mali sa suot ko? Dito ako mas komportable e"

"Kung gusto mo magsisi yung lalaking nang iwan sayo kailangan mong ayusin ang sarili mo" hinawi niya ang buhok ko.

"Hindi naman naging kami"

"What?" tinaasan niya ako ng kilay. "Kabit ka ba?" sinamaan ko siya ng tingin sabay batok sakanya.

"Parang kami pero hindi " sagot ko habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. "Pinagpustahan lang nila---aray!" malakas na pitik sa noo ang inabot ko sakanya.

"Wag mo na ituloy ayoko makakita ng babaeng umiiyak" sabi niya sa akin. "Naging kayo man o hindi, nagmahal ka lang kaya walang mali don"

"Salamat" parang nagulat pa yata siya ng ngumiti ako. Pati siguro sa pag ngiti ko ampangit ko.

"A-alis nako tsk!" bat parang nautal utal pa siya? Hindi naman mabaho hininga ko. Atsaka anlayo ko sakanya ng kaunti.

"Ma'am pakitanggal naman po ng blazzer niyo may damit po kaming inihanda sayo" sabi ng bekiboom na kapapasok lang sa loob. "Ganito ka ba talaga manamit Ms.Aragon?"

Tumango ako.

"Bongga ang transformation mo girl" pumalakpak pa siya na parang excited na excited sakin.

Ngayon lang siguro siya makakakita ng pangit na ginawang coloring book.

~•~

Chad

"Babe, sigurado ka ba ngayon ang sched nila?" tanong ko kay Alyana.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon