Chapter 35

35 1 0
                                    

Bianca.

Nagpalakpakan ang mga tao sa mismong sinehan nang makarating na sa katapusan ng isang istorya.

Tama ka, isa lang 'yon palabas at kami lang naman ang gumanap ng pag iibigan ng dalawang dating aktor at aktres na nasa edad na 85. Nakawheelchair na ang dating aktres at talagang inaalalayan siya nang kanyang asawa kahit pa na nahihirapan na din ito sa pagtutulak kanina. Mabuti nalang nandito ang staff at anak nila para mag asikaso sakanilang dalawa.

Nakakatuwang isipin dahil para padin silang teenager habang nanunuod ng kanilang istorya sobrang sweet nila at napaka clingy nila sa isat isa. Nagbigay ng talumpati ang dalawa at talagang masasabi ko na kapag mahal mo talaga ang isang tao kahit pa gaano kahit ang sitwasyon niyo ay pipiliin ka padin niya.

Pero paano kung hindi na pwedeng itama?

"I guess this will be the last of our movie right?" Natauhan ako nang magsalita si Sebastian at ngumiti sa'kin. "I'm glad to work with you for the last time" sa mga mata nito parang hindi 'yon umaayon sa pag ngiti niya.

"Yeah, well goodluck to your world tour concert" kaswal na sagot ko. "Wag mo papabayaan ang kalusugan mo dahil magiging abala ka sa araw na 'yon" tumango ito.

"Yeah, i will remember that"

Tumalikod na siya, ilang beses na niya ako tinalikuran noon pero mukhang ito na din ang huli. Parang bumagal ang lahat habang naglalakad ito nang palayo, na kung dati ay hinahabol ko siya sa tuwing tinutulak niya ako palayo ngayon ay hindi ko na magawang igalaw ang mga paa ko na tila pinipigilan na ako na gawin uli 'yon.

Mahal ko siya

Noon

Sadyang mapaglaro ang tadhana at parehas napunta sa'min ang proyekto na ito. Pero wala akong pinagsisihan dahil para sa'kin alam kong ito na din ang huli.

Sa relasyon namin noon, hindi ako ang pinili niya.

Isang beses na ako nasaktan at ayoko na maulit uli 'yon kaya gusto ko sabihin ulit sakanya na patawad, mahal kita pero masakit na at mukhang hindi ko kaya.

Parehas kaming may pagkukulang kaya alam ko ito ang makakabuti para sa'ming dalawa. Alam kong masaya na din siya kaya dapat maging masaya na din ako. Sa sobrang dami ng tao inantay ko na muna na magsialisan sila. Nakita ko sila Alyana sa dulo na nag aabang habang abala siya sa paghehele ng dala niyang anak at kararating lang nang asawa nito na nagmamay ari ng casino. Marami ring mga nagbigay na mga bulaklak at regalo sa dalawang dating artista at mukhang mauubos ang ticket sa unang araw palang nang palabas.

"Bianca! Ingat sa pag uwi" kinawayan ko lang siya at umalis na din. Inasikaso na ako ng mga staff pagkapasok ko sa room. Sunod sunod na papuri sa'kin ng mga fans at halos pagkaguluhan sa labas nang pinto. Nakakalungkot isipin na hindi ganito kaganda ang pagwelcome sa karakter na pinagsadulan ko sa mga fans niya.

"Ms.Bianca!!! OMG ANG GANDA MO!"

"Lingon naman dito Ms.Bianca!"

"OH MY GOSH!!! She's gorgeous!"

Sinuklian ko ng ngiti ang mga fans na halos madapa pa dahil hinahabol nila ang bawat anggulo nila sa'kin. Kaya may minabuti ko na bilisan ang paglalakad para hindi na magkaroon pa ng sakitan sa mismong loob.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon