Chapter 24

15 1 0
                                    

Third Person's POV

"When you grow up i want you to become an actor, okay?" may halong pagtataka ang sampung taong gulang na si Sebastian. Hindi nya maintindihan kumbakit ipinipilit ito sakanya nang kanyang ama.

"Sweetheart, don't pressure our son, hayaan na'tin kung ano ang gusto niya"

"But honey that's what i want for him, alam ko magugustuhan din niyang mag artista"

"But dad i want to become a writ--"hindi siya pinatapos nito.

"Cut that sh*t, walang patutunguhan 'yang pangarap mo, Sebastian" seryosong sambit nito at pinunit ang mga papel na isang linggo niyang isinulat. "Wala na akong makikitang mga ganito sa kwarto mo, naiintindihan mo?"

"Honey let him go, bata pa siya hayaan mo siyang magdesisy--"

"No, alam ko ang mas makabubuti sakanya Sabrina" hindi na niya naisalba pa ang mga papel dahil gula gulanit na ito. Napakagat siya sa labi nang itapon ito sa basurahan.

~•~

"Dad, kanino itong mga bags?" sa itsura palang halatang mamahalin na ang mga ito.

"This is for your mom, marami pa siyang ipinamili kaya kami na muna gagamit nang mga debit card mo" walang sabi sabi hinablot na niya ito.

"How about me? Hindi pa ako nakakapamili nang mga pangangaila--" hindi na siya pinatapos.

"Nagiging makasarili kana ngayon?"

"Dad it's not like that"

"Yes, it is" napayuko nalang ito nang daanan siya nang tatay niya at binunggo pa ang kanyang braso. "Magtrabaho ka para sa'min, dahil kami ang nag alaga sa'yo. Sana alam mo ang responsibilidad mo bilang anak"

"Pero hindi ko naman ito ginusto" mahinang bulong niya. Hindi niya magawang sumagot sa kanyang ama dahil natatakot ito sa oras na nagagalit.

"Miss Aragon! Double time!"

"Kalma lang kung sana tumutulong ka diba?"

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko sir, pasensya na po eto na nga eh" napalingon siya sa babae na hirap na hirap sa dala dalang mga papel. Nandito siya ngayon sa kompanya nang kanyang lolo para makausap. Pero napukaw nang kanyang atensyon ang babae 'yon.

"Anong klaseng pagmumukha 'yan Bianca? Hindi ba uso pulbos sa pinanggalingan mo?"

"Alam mo Vivette, di bale nang haggard wag lang magmukhang espasol kagaya nang mukha mo"

Pfft. She's good sabi niya sa kanyang isip.

"Aba? Atleast hindi old fashioned"

"Ayos lang basta hindi mukhang uod"

Bago pa man mapansin na kanina pa siya nakatingin nilisan na niya ang lugar na 'yon. Pagkatapos niya ibigay ang ipinapaabot nang daddy niya sa kanyang lolo umuwi na kaagad ito sa bahay. Pero napapansin niya na napapadalas na yung away nang kanyang mga magulang.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon