Chapter 5

21 2 0
                                    

Bianca.

"Lagyan mo nang emosyon Ms.Aragon" mapaos paos na ako sa kakasigaw pero hindi padin ata satisfied ang direktor sakin. Nakaupo lang si Sebastian habang ako nananakit na ang palad ko kakasampal sa kaharap kong mannequin na pinagpapraktisan ko.

"Nagtiwala ako sayo Airene! Kaibigan kita..itinuring kitang kapatid pero bakit mo ginawa sakin to?!" Nakabisado ko nalang yung linya kakapaulit ulit kasabay nang malakas na sampal ko sa mannequin.

"Get out! I don't need you here!" Tinalikuran ko siya sabay lakad palayo.

"Cut!"

"What do you think direk?"

"Mas okay kaysa sa mga nauna, pahinga kana muna dahil may sched pa kayo for interview" iniwan na kami ni direk sa loob. Umusod ako ng kaunti palayo kay Sebastian na panay sipsip lang ng milktea habang nagcecellphone.

Kaloka. Ansakit sa palad non kailangan kasi todo daw yung sampal para tuloy namanhid na yung buong kamay ko.

"Buhay ka pa?" Tanong ni hangal sa tabi ko. Inirapan ko lang siya habang abala sa pagpisil sa namumulang palad ko hindi ko na kasi siya maramdaman sa sobrang pamamanhid.

"Hoy" may malapad na kamay na humawak sa kamay ko.

"Bakit?" Pakiramdam ko nakuryente ako sa pag hawak niya sakin.

Kalma girl! Wag marupok.

"Try natin tong sample sa script"

"Pero kakatapos ko lang"

"Kung gusto mo mag iba ang tingin sayo ng tao dapat pagbutihin mo sa pag arte" sabay palo ng nakarolyong papel sa noo ko. "Tandaan mo lalabas yung movie worldwide kaya hindi tinatanggap dito ang salitang pwede na"

"Alam ko hindi ako tanga" sabay agaw sa isang pirasong papel pero punong puno ito ng laman. "Paano niyo nakakabisado ang ganitong karami? Mukhang kailangan ko uminom ng memory plus gold"

Paumanhin kung ako'y ulyanin kakanood ko kasi ng kdrama. Halos 3 hours nalang tulog ko minsan wala talaga kaya sabog akong papasok sa opisina.

Shuta. Sa palabas Scarlet Heart palang hindi talaga ako nakatulog kasi hindi ako makamove on sa sa ending.

"May kissing scene dyan basahin mong mabuti"

"Totoo ba talagang kiss yon? Pwedeng may babaeng pwede pumalit sakin sa part na to?"

"Sa tingin mo ba porket artista ako papayag ako humalik sa kahit na sino?"

"Eh ano tingin mo sakin?" Tanong ko na ikinatigil niya.

"Para nga to sakin diba? Atsaka kung ayaw mong paulit ulit tayo sa part na yan ayusin mo" ay kaloka hindi nga ako marunong humalik. Hindi ko siya inimik at binasa ko ang script.

Hoy! Hindi lang smack to. Lechugas..

"Nasa part talaga ng love story ang ganyang scene wag ka ngang magmaang maangan diyan tanda tanda mo na eh" sinapok ko siya sa ulo. Sira ata ulo neto e hindi naman sa wala akong alam pero sino ba ang may gusto na gawin to sa taong di naman niya kilala ng lubos?

"Twenty five years old palang ako aber"

"Para ka ngang trenta anyos, magkaparehas tayo ng edad pero parang tiyahin na kita" may kasabay itong pagtawa dahil sa pagkunot ng mga noo ko. Pasmado masyado bibig nito ah. "Tara na manang " ngumisi ito sakin pero namilog ang mata niya ng tumaas ang gitna ng daliri ko.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon