Chapter 17

22 2 0
                                    

Bianca.

Natuyo naman kaagad ang mga sugat ko at ngayon nasa biyahe na kami para sa meet and greet. Iilang scene nalang malapit na matapos yung movie. "May hangover ba ako? Nakakaloka ang sakit padin nang ulo ko" napasandal ako sa bintana ng kotse.

"Manang?" nilingon ko siya. "Okay ka lang?" tumango ako sabay pikit.

"Hangover ata, may malamig ka ba na tubig diyan" natawa pa ito sa'kin. Sabay abot nang tubig. Nung nagising ako kahapon wala na siya don sa tabi ko kaya napapaisip ako kung ano jaya reaksyon na makita niya na ganoon ang posisyon naming dalawa. Baka mamaya pinagtripan na naman niya ako habang tulog.

"Wag kang lalayo sa'kin sa event, lalo na masyado kang pinag iinitan nang ibang fans" tumango ako. Nakakulot ang buhok ko ngayon at nakasuot nang long sleeve na dress dahil para hindi makita yung sugat ko sa braso. Nakakaloka ang init init kaya nang panahon tapos ganito suot ko. "About last night, kalimutan mo na lahat kung ano man yung nasabi ko" mahinang sambit nito umiwas ito nang tingin sa'kin.

"Wala rin naman akong naalala e, naalala ko lang yung nakadalawang tungga ako" pagsisinungaling ko.

"Sigurado ka?" tango lang ang ginawa ko bilang sagot. Pagkababa namin sa isang van na nakasunod sa'min ay niluwa non sila Sean at Dave na mga naka formal na damit.

Nakabungad sa'min ang nakahilerang media na walang tigil sa pagkuha nang camera.

Nakaramdam ako nang panlalamig sa kamay sa unang hakbang ko pero may kamay na humawak sa'kin para magpatuloy sa paglalakad.

"Just keep going, you don't need to be worry" sambit niya at sinuklian nang ngiti ang mga tao na walang tigil sa kakasigaw nang pangalan niya.

"Ang ganda pala niya!"

"Bianca! Tingin ka naman dito please!"

Parang naestatwa ako at nilingon ko sila sinubukan kong ngumiti kahit kinakabahan ako na baka may lumipad na kung anong bagay sa'kin.

"SEAN!!!"

"Agatha!!!"

"Dave omygosh!!"

Bumitaw sa pagkakahawak si Sebastian at hinapit ang baywang ko na lalong nakadagdag sa ingay ng mga tao. May lamesa doon ay nakahilerang upuan may mga name sa bawat pwesto kaya alam na namin kung saan kami uupo.

"Please follow the rules of the event to avoid accidents and distractions to our special guests for today" sabi nung host dahil nagkakagulo sila sa harapan. "Great! Once again good afternoon to everyone, I'm your host for today, Jericho Montenegro, our guests for today are the cast of the upcoming movie titled he The Truth Beneath The Lies starring Bianca Aragon, Sebastian Maxfield, Sean Montaño, Agatha Morgan, Hailey Vortex and Dave Lewis" inabot ng host kay Sebastian yung mic.

Kailangan may pa speech?!

"Good Afternoon, I will be taking the role of Rage Fuentes and I hope you will support our movie, There's so many secrets will be revealed and you will also know how far you can keep your promise to the person you love. Thank you" nagsitilian naman ang mga babae dahil nag wink pa si hayup. "Manang, ikaw naman"

"Hello, Goodafternoon, I am taking the role of Tiffany Sachez in our movie The Truth Beneath the Lies and i hope you like it. Thank you so much!" nagpalakpakan naman ang iba pero iilan sa mga babae ang sama nang tingin sa'kin. Pagkatapos maipakilala ang lahat nang cast sa movie may mga iilang fans na pinagbigyan na magtanong sa mga actors and actresses.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon