Alyana.
Nakakaloka naman kasi si Lola kumain ba naman nang balot tas pinilit kagatin yung matigas na parte don sa balot, ayon nabawasan yung pustiso.
"Alyana, mamaya kana mag isip nang kung ano ano diyan baka mapuruhan pa si Ate Mercedes kapag nadapa na 'yan" sabi ni Ate Jenette, bunsong kapatid ni lola. Pagkarating namin dentista agad naman inasikaso si Lola dahil nag pa appointment na din kami.
Pagkatapos niya magpasukat para sa bagong pustiso bumisita naman kami kung nasaan naka confine ang lolo namin na si Lolo Antonio. Bagong opera lang kasi ito sa kidney at ilang araw nalang din pwede na siyang makalabas nang hospital.
"Kamusta lo?" sinuklian niya ako nang ngiti at maingat naming inalalayan na umupo. "Ayan hilig kasi sa maaalat napuruhan ka pa tuloy"
"Ano ka ba apo, sesermunan mo na naman ba ako?" natawa kaming parehas.
"Konting tiis nalang po makakaalis na po kayo dito, sa ngayon kailangan niyo muna magpahinga lalo na't medyo sariwa pa yung tahi sa tagiliran mo" kanina pa panay tunog nang phone ko sa bag. Malamang si Chad 'yon miss na miss na siguro ako.
_(:з」∠)_ kinikilig ako huhuhu.
"Kamusta na pala ang kaibigan mong si Bianca? Nandiyan pa yung pana ko sa pangangaso noon pwede mo gamitin 'yon apo" sobrang lapit nila Bianca at nang lolo ko dahil halos parehas lang naman sila nang pag uugali.
"Ayos lang siya lo, kayang kaya namin sila, alam mo naman si Bianca hindi papatalo"
"Aba dapat lang hindi siya ganong klaseng tao, yung manloloko lang na si Sebastian"
"Nagkaayos na sila lo, maayos po ang hiwalayan nila yung mga tao lang talaga ang nagpapalaki nang isyu" eto kasing si Ate Jenette mahilig ichika kay lolo lahat nang nangyayari e.
Sumandali na muna ako sa labas dahil para sagutin yung tawag ni Chad. Pero bago pa man ako makabalik sa loob muntik ko pa masanggi yung nasa wheelchair na padaan sa'kin.
"Pasensya na po! Nasaktan po ba kayo?" nakakaloka pilay pa ata siya tapos pupuruhan ko pa jusmiyo. "Sorry po tala--"
"Ayos lang iha hindi mo naman sinasadya" may pagkapaos ang kanyang boses. Nakabonet ito at sobrang putla nang kanyang balat.
"Saan po ba kayo pupunta? Pwede ko po kayo samahan" mukhang hirap na hirap kasi siya sa wheelchair niya.
"Sa room ko iha sa 154" hindi na ako umimik at ako na ang naghila para sakanya.
"Bakit wala pong nag aasikaso sa'yo dito?" nagkaroon pa nang katahimikan.
"Iniwan na nila ako" mapait na sambit niya. "Pero hindi na rin naman ako magtatagal, bilang na din ang mga araw ko"
"Hala wag naman po kayo advance mag isip, gagaling po kayo" natawa ito nang mahina kasabay non ang pag ubo. "Ayos lang po ba kayo?"
"Stage 4 brain cancer, kung naagapan ko sana ito simula palang" nagsimula na siyang umiyak. Mabuti nalang may panyo ako sa bulsa at iniabot 'yon sakanya. "Pasensya na sa abala iha, maraming salamat sa pag mamalasakit mo" ngumiti siya sa akin.
"Pwede ko po ba malaman ang pangalan mo?" inalalayan ko siyang tumayo at nahiga sa kama.
"Sabrina Addle" bago pa man ako magsalita biglang sumulpot ang nurse para sa gamot nito. "Maraming salamat ulit sa'yo iha" isinara na nang nurse ang pinto.
Sabrina.
Parang narinig ko na yung pangalan na 'yon pero mukhang kailangan ko nang memory plus gold para matandaan kung kelan ko ba narinig ang pangalan na 'yon.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomansaTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...