Bianca.
"Now from the top, make it drop, That's some WAP!!" Lasing na lasing na si Hailey at sumasayaw na ito sa dancefloor. Kami lang naman ang tao dito kaya walang makakakita sakanya. "SAYAW NAMAN KAYO DYAN!! WohoooOo!" Napailing nalang ako sabay tungga. Kanina ko pa napapansin na nag uusap si Sebastian at Sean sa may balcony.
"Shot Biancaaa~" inabot sa'kin ni Dave yung isang baso kaya hindi na'ko nakapalag. Nakakailang tungga na din ako samantalang si Agatha parang sabog na nakatulala. "Kakaiba malasing si Agatha palaging ganyan, tumulo na nga laway oh" hindi naming naiwasang natawa.
"Sa tingin mo kapag sinabi ko sa'yo kung anong klaseng lalaki ako mag iiba ba ang tingin mo sa'kin" biglang sambit nito kaya natigilan ako. "Alam kong nakita mo kami doon, Bianca" napaatras ako sa sinabi niya.
"Teka.."
"Well..kung magagalit ka sa'kin ayos lang, alam ko na kasi ang intensyon ng mga babae lalo na sa mga artista na katulad ko, nagkaroon ako ng girlfriend na wala sa showbiz nung natulungan ko siya maipundar simula sa bahay niya at negosyo sinabi niya sa'kin na may fiance na siya" tumawa ito pero alam kong nasasaktan ito sa bawat salitang binibitawan niya. "Wala akong nagawa, pinaubaya ko yung pinaglaanan ko ng buong pagmamahal ko, sinabi sa'kin ng kuya niya ang dahilan dahil naawa siya sa'kin na ginamit lang ako ng kapatid niya para maihaon sila sa buhay at wala naman talaga siyang gusto sa'kin"
"Dave.." yumuko ito at umiyak. "Nakakaloka nag iinuman lang tayo dito bat nag iiyakan na?" Sinubukan ko mag joke baka gumana.
"Simula non hindi na'ko naniniwala sa mga babae na mahal nila ako"
"Dave, hindi lahat ng babae ganon ang intensyon sa'yo" hinawakan ko ito sa balikat. "Pero seryoso may isang tao kang makikilala sa tamang panahon, kaya habang hindi pa huli ang lahat ayusin mo muna ang sarili mo" ginulo ko ang buhok niya. Yumuko ito sabay bagsak sa harapan ko nakakaloka mga lasing na itong kasama ko.
"Ang lakas ko mag advice sa ibang tao pero sa mismong nararamdaman ko nahihirapan ka" napailing ako at tumungga ulit. Kapag naipalabas na nationwide yung movie putol na din ang koneksyon naming dalawa ni Sebastian. Hindi ko maiwasang maisip 'yon. Ayon naman talaga ang usapan hindi ba?
"Bianca" parang zombie itong si Dave habang pinipilit bumangon. "Hinay hinay lan—" ayon bumagsak ulit.
"Sa iisang movie lang tayo magkasama at pagkatapos non...okay na"
Okay na. Magkakanya kanya na kami pagkatapos nito? Pakiramdam ko mababaliw na ako.
"A-ayoko.." nagsimula na akong umiyak sabay tungga. Sobrang init sa lalamunan pero kahit papaano naikakalma ko ang sarili ko. "Nakakainis.." halos lumalabo na ang buong paligid ko pero patuloy padin ako sa pag tungga.
~•~
Third Person's POV
I'm a hot girl, I do hot shit (I do hot shit)
Spend his income on my outfit (on my outfit)
I don't text quick 'cause I ain't thirsty (I ain't thirsty)
These bitches mad, mad, they wanna hurt me (ah, ah)"What the—" hindi na naituloy ni Sebastian ang sasabihin niya makita niyang parang bulate ang dalaga sa dance floor kasama si Hailey.
"Let her be, Sebastian" kinalas nito ang pagkakahawak ni Sean sakanya. "Napakinabangan mo na siya kaya dapat mo na din siyang pakawalan"
"Wag mo'ko utusan" iniwan niyang nakatayo si Sean doon.
"Ano bang pumasok sa kokote mo at uminom ka nang madami!" Inalalayan niya itong tumayo pero masyado itong malikot. "You little—AHH!" Hinatak lang naman nito ang buhok niya.

BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...