Chapter 3

22 2 0
                                    

Chad.

"Eto na nga ba ang sinasabi ko" dali dali kong pinuntahan si Sebastian sa room niya at abalang inaayusan ng hair stylist niya. "Ms.Gwen pwede niyo po ba kaming iwanan kahit saglit?" Tinanguan lang niya ako.

"What's wrong Chad?" Hindi na ako sumagot at iniabot ang cellphone sakanya. "Tingnan mo lang naman ang nangyari sa kagagawan mo pre"

"Umani ng sari't saring batikos ang babaeng pinaghihinalaang bagong girlfriend ni Sebastian Maxfield"

"Bianca Aragon denied about the relationship with Sebastian Maxfield"

@Milkyie : Ang panget ni ate girl

@jnnyyng : hndi nmn cia mAganda...mas bgay cla ni klowi

Ano nalang ang mararamdaman nang babaeng yon? Damn pahamak talaga tong si Sebastian kahit kailan.

"Oh? Ano gagawin ko?" Sapakin ko kaya to? Parang wala manlang kahit na anong bakas na emosyon sa pagmumukha niya.

"Nagsabi si Alyana na kailangan niyo mag usap ni Bianca" hindi na rin ako tumanggi dahil kailangan talaga. Pagdating talaga kay Seb mabilis kumalat sa media.

"Okay, ano pa nga ba magagawa ko?" Pansin ko ang pagbabago ng ekspresyon niya sa sandamakmak na batikos sa babaeng yon. "Seriously? Dahil lang sa halik? Andami dami ko ng hinalikan sa mga palabas hindi pa ba sila nasanay?"

"Iba naman sa pampublikong lugar ka nakipag halikan tas hindi scripted, gamitin mo nga kokote mo Seb"

"Aish. Tao nga naman"

"Mr.Maxfield, Five minutes before the photoshoot please be ready" singit ng staff kaya hindi na ako nagsalita.

"Sa condo tayo magkita Chad pati yung babae" tinanguan ko siya. "I have an idea" ngumisi ito bago niya ako tinalikuran.

"Just make sure you're gonna fix this mess Seb" tugon ko at tuluyan na ako lumabas sa room niya.

~•~

Bianca.

"Bhie sa condo tayo nila Chad mamaya, pupunta si Sebastian don" sambit ni Alyana habang nakatuon padin ang kanyang atensyon sa cellphone. Parang ayoko na ngang lumabas sa kuwarto e. Pakiramdam ko unang tapak ko palang sa labas ng pinto baka hambalusin nako ng dos por dos.

"Mag disguise kana din para syempre sa safety mo may mask at sunglasses ako"

"Gabing gabi naka sunglasses ako? Nagmukha naman ata akong jejemon niyan kulang nalang magshort ako pero nakajacket"

"Bhie! This is for your safety hindi kita matutulungan sa suntukan kapag madami ang sumugod sayo kaloka"

"Fine fine" isinandal ko ang ulo ko sa pader mas gusto na lamunin ako ng lupa kaysa dumugin ng mga tao.

Kapag maganda ka suportado ka pa.

Kapag panget ka bugbog sarado ka sakanila.

Asan ang hustisya sa mukhang hindi pinagpala sa kagandahan?

Hindi na nga kapili pili, nadawit pa sa mas malaking kaguluhan.

~•~

Paano ako magsisimulang makipag usap sa lalaking halos nakabukaka na sa harapan ko daig niya pa yung mga lalaki sa jeep na akala mo bente pesos ang bayad. Hindi ko siya kilala pero hindi ko alam na sikat pala ang isang to.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon