Chapter 8

18 1 0
                                    

Chad.

"Anak ng tokwa naman Seb iniwan mo si Bianca sa daan?" nagtext na ako kay Alyana para masigurado kung nasa bahay na ba si Bianca.

"Ayaw niya sumakay eh edi hinayaan ko pshh" kahit kailan talaga napakaikli ng pasensya nito ni Sebastian.

"Sumasabay naman si Bianca ah? May ginawa ka sigurong kalokohan kaya ayaw na sumabay sayo" parang natigilan pa yata siya sa sinabi ko pero tinapunan lang niya ako ng tingin.

"Sino ba kasing hindi maiirita sakanya? 30 minutes na siyang late ako napapahiya sa ginagawa niya" sagot niya sakin at walang kaano anong dinampot ang isang basong juice sabay tungga. "Sinabihan ko lang siyang paimportante anong nakakainis don?"

Eto na nga ba sinasabi ko.

"Bago pa lang si Bianca sa showbiz sana naman intindihan mo nalang, tandaan mo career niyo to parehas at ang buong akala ng media girlfriend mo siya" sambit ko pero parang wala lang din ito sakanya. "Sebastian mag usap kaya kay-"

"The heck? Hindi ko na kasalanan kung nasaktan siya makakalimutan niya din yon"

"Don't compare Bianca to your mother even Chloe, Seb hindi lahat ng babae kagaya nila, kahit naman kakaunti tratuhin mo ng maayos si Bianca dahil alam mo naman ang pinagdadaanan niya ngayon. Puro masasakit na salita ang inaabot niya sa mga tao" Napalingon siya sa akin ng marinig niya ang parents niya maging si Chloe. Masyadong lumalagpas na ang limitasyon ko pero kung ito lang makakapagpagising sakanya gagawin ko.

"Enough" tipid sa sabi niya bago tumayo. "Kailangan ko na din magpahinga dahil magsisimula na kaming magbasa ng script" aniya bago ako iwanan sa sala.

Bakit ba ang hirap paamuhin ng isang to?

~•~

Bianca

@cakiE_00 : Tuloy talaga yung pagiging leading lady ng pangit na to? HAHAHAHAHA

@MoSH69 : nAwaLaN nKo ng ganA mHanood

@MryVn : AmpAngEt ng moVie nito HAHAHAH

@JesIhA01 : Paki balik si Chloe pls lang!

Sabi ko na nga ba dapat hindi nalang ako nagbasa ng mga tweets masyado ko lang dinadagdag sa isipin ko ngayon. Baka kapag si Asha itapat ko sakanila mamuti yung mga mata nila dahil sa kwintas na libag non kaloka.

"Bianca?" Nanigas ako sa kinauupuan ko ng makita ko si Caleb na may hawak na isang tray. Sa restaurant ako nag dinner dahil walang pagkain sa ref medyo afford ko naman dito dahil may ipon ako sa sahod ko sa dati kong trabaho.

"Oh?" Sa pananamit naman niya mukhang hindi siya waiter dito. "Long time no see" sabi ko. Medyo bongga yung pagkasabi ko ah.

"Wala ka ng igaganda pa kaya itigil mo na yan, niloloko mo nalang ang sarili mo" natatawa niyang sabi.

"Wala akong pakialam dun ka sa libagin malay ko bang tipo mo yung may natural na choker sa leeg" nanlaki ang mata ko ng may nagsaboy sakin ng tubig. Pumasok pa sa damit ko yung yelo. Aba bastos! Hindi naman maiipit yung yelo don sa loob dahil kapatagan ang hinaharap ko.

"Narinig ko yon ha!" Magkasama pala sila ni Asha at magkalapit lang kami ng table. "Ang kapal naman ng mukha mo naging artista kana napakataas na ng tingin mo sa sarili mo?" Napatayo ako dahil sa sobrang lamig lahat ng atensyon ng mga customer samin na nakatingin ngayon.

Binibining Hindi Pinili (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon