"What's the meaning of this? Caleb?" Para kaming nasa isang teleserye na hindi uso ang payong habang nag aaway sa gitna ng malakas na buhos ng pag ulan."I'm sorry, this is all my fault Bianca, i was wrong about us.." tugon niya hindi ito makatingin sa akin ng diretso. "I love Asha..gusto kong itigil ang kung ano mang mayroon tayo ngayon"
"Ano nga ba talaga ako sayo? M-mahal mo ba talaga ako?" Sa tanong kong iyon duon na niya ako tiningnan ng deretso. Sumilay ang nang aasar niyang mga ngisi. "Caleb.."
"Kung may pipiliin ako sa inyong dalawa, Bakit pa kailangan pag isipan? sa una palang wala naman talaga akong nararamdaman, tingnan mo nga ang sarili mo may lalaki ba na mas gugustuhin na makasama ka?"
"Caleb, pagbigyan mo naman ako" Hinawakan ko siya sa braso pero malakas niya akong itinulak dahilan na mapaupo ako sa sahig. "O-Ouch"
"Don't touch me you ugly whore" iniwan niya akong tulala duon.
Sa unang pagkakataon.
Nasaktan ako sa taong hindi naman kami pero..buong akala ko totoo na.
Nagtiwala ako kahit na alam kong pwedeng maulit uli ang mapait na nakaraan. Pero hanggang kailan? Hanggang kailan ba magiging ganito? Kung sila ang papipiliin bakit hindi ako?
Hindi ba pwedeng ako nalang?
Iniwan niya akong nakatayo at hindi nagawang umimik parang natahi ang mga bibig ko na tila pinipigilan akong magsalita.
*BOGHSHHHH!!*
Napabalikwas ako ng bangon nang may makapal na bagay na ibinalibag sa lamesa ko. Sasapakin ko sana pero yung boss ko pala yon sa opisina na nanggagalaiti ngayon sa galit.
"You're not here to sleep Ms.Aragon!" pinaningkitan niya ako ng mata habang yung mga kapwa empleyado ko na palihim na humahagikhik. Nakaidlip pala ako sa trabaho habang nagtatype sa computer.
"S-Sorry Sir!"
"Nakailang warning na ako sayo Ms.Aragon sa susunod na mahuli pa kitang natutulog sa trabaho sisipain na kita palabas ng building na to"
"Opo" kakanood ko to ng kdrama kaya hindi ako makapag trabaho ng maayos eh.
Isang taon na din pala ang nakalipas simula ng mangyari yon, hanggang ngayon palagi ko padin napapanaginipan. Palagi nalang may kaharutan pero takot sa commitment.
Isa ka din ba don?
Psshh.
Bigyan ng label yan!
Wowowin!
"Ms.Aragon!"
"Eto na po Sir kalmahin niyo lang yang patilya niyo hindi po ito typer shark para magpabilisan sa kakatype" kaloka tong boss ko palibhasa matandang binata.
Pagkatapos ng nakakaboring na araw pumunta ako sa ice cream store nang babaita kong kaibigan na si Alyana na nakangalumbaba pa habang nag aantay ng customer.
"Bhie ano na! Mukha ka ng lusaw na sorbetes sa itsura mo" Bungad ko sakanya habang walang tigil sa kakapaypay.
"Kita mo ngang summer kaya sobrang init talaga sira pa ata yung aircon walang kalamig lamig" aniya. "Tapos kana sa work? Paypayan mo nga ako"
BINABASA MO ANG
Binibining Hindi Pinili (Completed)
RomanceTila isang napadaang bagyo lang ang naganap sakanilang dalawa ni Caleb. Ang lalaking buong akala niya na ito na ang bubuo sa natitirang kulang sa kanyang mundo. Paano ba niya panghahawakan ang nararamdaman niyang pagmamahal kung sa una palang ay wal...