"Wow! This is a very beautiful house!" Manghang sabi ni voice habang patuloy lang sa paglalakad.
Hi guys! Nandito kami ngayon ni voice sa may labas nang bahay ko. Grabe nasa may labas pa lang kami nang bahay ito na agad ang sinasabi niya, bakit mas malaki ba bahay namin kaysa sa bahay niya.
Pinagpatuloy na namin ang paglalakad hanggang sa makapasok na kami sa loob ay walang hanggang expresyon ang binigay niya.
"Ang ingay mo naman, hindi ba ganito bahay nyo?" Medyo naiiritang tanong ko.
"Hindi kasi mas maganda ang bahay namin sayo." Nakapamewang na sabi niya.
"Eh kung mas maganda bahay nyo ba't amaze na amaze ka na parang ngayon ka lang nakakita nang ganitong bahay."
Tinignan niya lang ako parang gusto niyang hulaan ko pa kung anong sagot. Hanggang sa may sagot ngang lumabas sa utak ko.
"Don't tell me-" Di niya pinatapos ang sasabihin ko at nagsalita na siya.
"It's because ngayon lang ako nakakita nang ganitong kapangit at cheap na bahay." Sabi niya na may pagmamayabang sa tono niya.
Napapalo na lang ako nang noo at tinignan siya nang are you serious look.
"Hey im serious." Natatawang sambit niya.
"Seriously? Alam mo kung matagal mo na nga akong kilala edi sana matagal ka nang nakapunta dito."
"Does not posible." Sabi niya sabay upo sa may sofa.
"Bakit naman?" Naka cross arms na tanong ko.
"It's because i only knew you by Astrix stories. Nung nagkita na talaga tayo nakatira ka na sa hotel mo."
"Oh talaga? Teka! May hotel ako!?" Gulat na tanong ko.
"I just say it awhile ago, bingi." Mataray na sabi niya, binulong pa niya yung huling word na sinabi niya ah kaso rinig ko naman.
Mga tao nga naman ngayon nagbubulongan na nga lang malakas pa. Minsan kung ano ang bulong yun ang normal na usapan para sa mga chismosa at ang normal na usapan yun ang sigaw para naman sa mga bingi and guest what ang sigaw nagiging bulong na lang para sa mga mahiyain naman yun. Pero pwede na din gamitin nang ibang tao sa mundong ito.
"Kaibigan na nga ba talaga kita?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, pero ngayon lang bukas hindi na." Sabi niya sabay tayo at nagumpisa na ulit maglibot. Ako syempre sinundan siya.
"Oh so alam ko na ngayon." Sabi ko
"Anong alam mo?" Tanong niya sabay bukas nang ref.
"Ginagamit mo lang ako para makatakas ka sa mga guards." Sabi ko sabay sandal sa may pader.
"Bingo! Wala ka bang pagkain dito sa ref ang poor mo naman." Sabi niya sabay sara nang ref.
"Nasa may movie room yung foods." Sabi ko sa kanya.
"Eh! May movie room kayo! Ba't kami wa-" Di na niya tinuloy ang sasabihin niya sana, kasi tinignan ko siya nang pangasar na titig.
"Ba't ganyan titig mo?" Tanong niya.
"Eh kasi may naalala ako kanina na nag sabi cheap itong bahay." Nakangiting sabi ko.
"Cheap pa rin ang bahay mo kahit may movie room ka." Sabi niya sabay alis at tingin tingin sa paligid para bang may hinahanap.
"Nasa taas ang movie room." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...