◎Chapter ThirtyEight; Little Treasure Chest

29 5 0
                                    


***
"Tumatae ka na ba diyan ah? Ang tagal mo eh." Narinig kong sabi ni air kaya naman binuksan ko na yung pinto ng walang sinasabi sa kanya at umupo sa may kama ni ate.

"Ba't may bitbit kang plastic ng basura?" Takang tanong niya kaso di ko naman sinagot ang tanong niya at tinanggal na ang tape na nakabalot sa itim na plastic at kinuha na ang laman nito. Na kinagulat ko naman ng makakita ng isang maliit na treasure chest.

"Possible bang yan na yung sinasabi ni ate!" Gulat na sabi ni air.

"Pwede ba wag kang maingay at umupo na lang dito sa may tabi ko, para naman bulongan na pag uusap ang gawin natin. Dahil baka may nakikinig na sa may kabilang side ng pinto." Yung huling sentence na sinabi ko ay mahina ko lang sinabi. Lalo na at napansin ko na may anino sa may ibaba ng pinto. Mukhang naintindihan naman ako ni air kaya naman umupo siya sa may tabi ko.

"So yan na nga ba yun?" Sabi ni air na parang kala mo nasa masikip na kwarto kami dahil dikit na dikit talaga ang mukha niya sa akin, siguro kung lilingon ako sa kanya baka mag kiss na kami. Ano ba itong iniisip ko!

"Sa-satingin ko ito na nga yun." Mahinang sabi ko.

"Hmmm... Namumula ka, may lagnat ka ba?" Biglang sabi niya at mas lapit pa ng mukha niya kaya naman bumibilis na ang tibok ng puso ko. Bakit ba lagi na lang ganito!? Kahit kanino natibok ata ang heart ko eh. Kay ariz, kay astrix ngayon kay air. Mamaya niyan sa bestfriend ko na sumunod tumibok itong heart ko. Mukhang may sakit na ata ako sa puso.

"Wala akong lagnat, lumayo ka nga ng kaunti naiinitan ako dahil sa ang lapit mo eh." Sabi ko sabay tulak ng mahina sa mukha niya.

"Ay naku wag mo ngang tulaking ang mukha ko, buksan mo na lang kasi yan." Sabi niya kaya naman napalingon ako sa kanya at ngayon ang lapit ng mukha ko sa kanya as in magkadikit na ang ilong namin at unti na lang distansya ng mga labi namin. Hindi ko alam panu makaka alis ngayon sa sitwasyon namin ng bigla na lang may kumatok.

"Tsk, wrong timing naman oh." Sabi ni air na mas kinabilis pa ng puso ko.

"Air nandiyan ka nanaman ba sa kwarto ni ate." Naririnig kong sabi no ariz.

"Siya lang naman pala, sophie itago mo yang nakita natin ngayon. Kumuha ka na lang muna ng isa sa mga bag diyan ni ate." Bulong ni air bago tumayo sa pagkakaupo niya.


Sinunod ko naman agad ang sinabi niya at kinuha na agad ang unang handbag na nakita ko at nilagay doon ang maliit na treasure box na nakita ko. Then sinuot ko na ang handbag sa akin at tumayo na rin. Saktong pagtayo ko ay ang pagbukas naman ng pinto ni air.


"Ano nanaman ba ginagawa mo dito nag-i-" Di na natuloy ni ariz ang gusto niyang sabihin ng makita niya ako.

"Nandito ka din sophie. Anong ginagawa nyong dalawa dito sa kwarto ni ate?" Gulat na sabi ni ariz.

"Naku ariz nagtanong ka pa, edi syempre kung anong ginagawa ng lalake at babae pag silang dalawa lang magkasama sa kwarto." Biglang sabi ni air at labas ng kwarto na kinagulat ko naman. Ano bang sinasabi ng lalakeng toh!

"Gagawa pa kayo ng kung ano diyan dito pa talaga sa kwarto ni ate." Sabi ni ariz at tumalikod na din at umalis na speechless naman tuloy ako. Pero di ko naman siya magawang habulin tapos mag explain sa kanya at sabihin na mali ang iniisip niya.


Pero sanay na ako sa pagiging maldito ni ariz at ang sigurado ko na sasabihin niya bakit kailangan ko pang magpaliwanag sa kanya wala naman siyang paki lalo na at magpinsan lang kami tapos mag a-advice na yan na dapat tandaan ko magpinsan kami ni air hindi dapat namin ginagawa ang kung ano man ang nasa isip niya ngayon.


Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon