"Karin!"
My ghad! Anong ginagawa nang bestfriend ko dito.
"Oh shin Gising kana pala? Teka kilala mo si Karin?!" Gulat na tanong ni Noah
Naku po! Kunyari nga pala na hindi ko kilala si Karin! Gagawin ko nito!
Napatingin nalang tuloy ako sa may sahig at nagiisip nang pwedeng idahilan sa kanila.
"Ahhh... Kasi... Ano..." Putol putol na sabi ko.
"Pinakilala ko sa kanya si Karin. Diba pinsan?"
Napaangat ang ulo ko at nagulat nanaman ako nang makita ang isang babae doon at nakangiti siya sa akin.
"Sophia!" Gulat na sabi ko.
"Yup Im Sophia your cousin and Ariz sister." Masayang sabi niya.
"Teka! Wait lang naguguluhan ako ah. Dun sa expression ni Shin kanina mukhang ngayon palang kayo nagkakilala kung ganun paano mo napakilala si Karin sa kanya?" Tanong ni Noah kay Karin.
Naku po! Bakit pala ganun ang ginawa ko? Dapat pala masaya kong sinabi yung pangalan niya hindi yung gulat na parang ngayon ko lang siya nakita.
"Umm... Di pa nga kami nagkikita sa cellphone palang kami nagkakausap tapos sinent ko sa kanya yung picture ni Karin." Masayang sabi niya habang nakatingin sa akin.
Teka kung nandito si Sophia ang ibigsabihin ba nun siya talaga yung nakita ko kagabi. Ang ibigsabihin ba nun hindi panaginip ang lahat pero may mga impossible things doon na nangyari. Naguguluhan na ako ah ano ba talagang nangyayari ngayon.
"Hayy naku! Mamaya na lang kayo magusap ah. Kain na muna tayo at sigurado akong kanina pa gutom ang mga kasama nating babae galing sa mahaba nilang biyahe at syempre kami rin dahil may isang tulog mantika diyan." Nakangiting sabi ni Gerald habang nakatingin sa akin.
"Oo na po alam ko pong ako yun di mo na kailangan pang tumingin sa akin." Sabi ko habang naka cross arms at nakatingin sa ibang direksyon.
Umupo na lang ako sa may vacant seat at yun ay sa gitna ni Sophia at Karin. Nginitian lang ako ni Sophia nung umupo ako sa tabi niya at syempre nginitian ko rin siya. Si Karin naman biglang bumulong sa akin.
'Musta na besty.' Bulong ni karin sa akin
'Ok lang besty, pero kailangan mong mag explain sa akin mamaya ah.' Bulong ko naman sa kanya.
Natawa na lang siya at tumango sa binulong ko.
"Hoy! Anong pinaguusapan nyo i-share nyo naman." Sabi ni Noah na sa tono nang boses ay mahahalata mong nagseselos. Tsk, akala mo naman sila na.
"Hehe, its not important naman eh kaya kain na lang tayo ah." Nakangiting sabi ni Karin kay Noah
Nilapag na ang almusal este lunch pala kasi tanghali na pala ako nagising.
Ganito pala ang naging seating arrangement namin kung gusto nyo lang naman malaman.
|
|
V
Noah | Karin | Shin | Sophia
~~~~~~ Lamesa ~~~~~~
Shun | Ariz | Astrix | Gerald
Malaki yung table parang pang castle yung table pero 1/4 lang ata ang sinakop namin kasi kung hiwa-hiwalay kami nang pwesto mag mumukha kaming mag kaaway nun.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Misterio / SuspensoIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...