Hi guys ^^ Sorry ah ngayon lang nakapag update si author, dapat talaga nung last week pa eh kaso may problem kasi si sa pag update ko. Sorry then kasi maiksi din toh.
Hope you'll like this chapter
***
"Paano po kayo napunta sa magpamilya na iyon?" Tanong ko kay mama matapos niyang makwento bakit siya galit sa dad niya, sa dee niya.
"Ang dahilan ba't ako napunta sa magpamilya na yun ay dahil-" Naudlot ang pagkwekwento niya sa akin ng bigla na lang may kumatok at pumasok sa loob si tita Miyah.
"Liyah padating na si mom, salubungin na natin siya sa may entrance. Kung di ka pa ok sophie wag ka na muna tumayo alam kong napalapit na din sayo si shaina." Sabi ni tita miyah.
"Ok na po ako, gusto ko din po siyang salubungin." Sabi ko at umalis na sa may kama ko.
"Sigurado ka ba sophie? Ok ka na ba?" Tanong ni tita liyah sa akin ngumiti naman ako at tumango.
"Kung yan ang gusto mo, tara baba na tayo." Sabi ni tita miyah at nauna nang lumabas ng kwarto.
"Tara na po." Nasabi ko na lang kahit gusto ko na talaga malaman ang rason kung bakit siya napunta sa ibang pamilya ay mas first priority ko ay ang makilala ang ina nila. Ewan ko ba basta gusto ko lang talaga siya makita at makilala.
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta na sa may baba. Pagkababa ay nakita ko si ariz na tumitingin sa may salamin na malapit lang sa may hagdan.
"Kailangan pa talagang mag pa gwapo bago mangsalubong." Nasabi ko na lang kaya naman napatigil siya sa pag aayos at napatingin sa akin.
"Alam mo sophie madaming beses na ako napagalitan ng lola natin sa ayos ko. Dahil na din siguro sa isa siyang fashion designer." Sabi niya sabay tingin ulit sa salamin. Ano naman mali sa ayos niya para sa akin lahat ng ayos niya ay ok sa akin.
"Ano ba itong pinagiisip ko better go na ako at di na pansinin itong si ariz sa pag aayos niya." Nabulong ko na lang sa sarili ko.
Naglakad na ako papuntang entrance pero di pa ako nakakalapit ay biglang may nakabunggo ako na dahilan ng pag bagsak ko sa may sahig.
"Naku ayos ka lang ba sophie?" Tanong ng isang hindi ko kilalang tao, pano ko naman masasabi kung di ko kilala kung di ko pa nakikita mukha niya.
"Mukha ba akong ayos." Sabi ko at napatingin sa mukha niya. Mukha siyang familiar sa akin, nakita ko na ba siya noon?
"Uy tama na kakatingin sa mukha ko baka naman matunaw na ako niyan." Sabi niya, wow ah kapal ng mukha. May inaalala lang ako hindi ko naman intensyon na titigan ang mukha mo ng matagal.
"Ewan ko sayo, di ko tinitignan ang mukha mo. Sir na di ko alam kung sino." Sabi ko sabay tayo.
"Eh! Di mo na ako maalala ang rude naman nun. Yung kambal ko kilalang kilala mo ay hindi naman over na kilala pero atleast kilala mo siya tas ako hindi mo kilala." Sabi niya kaya naman na confuse tuloy ako. Kambal? Eh di ko nga maalala face niya.
"Air wag mo na ngang guluhin si sophie at mag ayos ka na din, malapit nang dumating dito ang kotse ni lola." I know that familiar voice at hindi ako nagkakamali na kay ariz galing ang boses na yun.
"Oh ang same birthday brother ko na si ariz. Di ko naman siya binobother nuh, atsaka di ko na kailangan pang mag ayos. My look is perfect and sure lola will not see anything wrong about my look today, diba sophie?" Sabi nito habang nakatingin sa akin. Ewan ko ba di ko magawang masagot tanong niya. Siya pala ang twin brother ni ariz. As i can see di sila magkamukha so they are twins for having the same birthday. Kung di ako nagkakamali praternal twins ang tawag dun.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...