◎ Chapter Six; First Warning

238 51 29
                                    

Sophie *Point Of View*

Dinilat ko na ang aking mga mata na pikit dahil sa pagkakatulog.

"Grabe yung panaginip ko akala ko yung bumunggo sa akin at yung isa pa naming kasama dito sa dorm ay iisa. Grabeng panaginip akala ko totoo na buti na lang hindi."

Sabi ko sa sarili ko pagkagising na pagkagising ko. Nang biglang may kumatok baka si Ariz tiningnan ko muna yung paligid ng kwarto ko kasi baka biglang may gamit na makakapagbisto sa akin at nung na check ko na, na wala naman ay sinabi ko na.......

"Pasok ka na, di naman ata naka lock yung pinto." Sabi ko nakalimutan ko kasi kung nilock ko ba yung pinto o hindi.

Di ko na nga rin ma alala kung anong oras na ako pumasok ng kwarto ko at natulog. Tumingin na lang ako sa salamin to check kung ok yung mukha ko. Tapos pumasok na yung kumatok.

"Hello! Goodmorning!" Bati niya pero bakit di ka boses ni Ariz.

Binaba ko yung hawak kong salamin at tinignan yung bumati sa akin laking gulat ko na isang lalake gwapo na may hawak ng tray na may pagkain ang pumasok. Na dahilan ng pag sisigaw ko ngayong umaga.

"AAAAAAAAGGGGGGGGGHHHHHHHH!!!!!! SI-SINO KA!!!???"

"A-Anong nangyari?" Sabi naman ni Ariz na nagmadaling pumunta nang kwarto ko

"Sino yang lalakeng yan?" Tanong ko naman

"Si Astrix." Sagot naman ni Ariz

"Astrix........ Ikaw yun!" Sabi ko naman sabay turo dun sa gwapo na lalake na may hawak ng tray ng pagkain

"Ako nga, nahimatay ka kahapon kaya di ako masyadong nakapag pakilala." Sabi naman niya

"Nahimatay?" Nagtatakang tanong ko naman

"Oo nahimatay ka nung binati ka ni Astrix." Sabi naman ni Ariz

"Oo nga, kaya nga binuhat kita papunta sa room mo. Ang gaan mo pala." Singit naman ni Astrix.

Sa sobrang shocks at dahil na rin sa mga sinabi nila di na ako nakapagsalita. Grabe! Nahimatay ako kahapon tapos magaan daw ako, ok lang sa akin kung babae ako ngayon. Eh nagpapangap akong lalake hindi dapat ako magaan.

"Mabuti siguro kung kumain ka muna. Ito oh dinalhan kita ng almusal." Sabi ni Astrix sabay lapag nung dala niyang tray sa lamesa ko.

"Kumain ka muna at siguro magpahinga dahil nasagasaan ka pala kahapon, dapat nag stay ka muna sa ospital." Sabi naman ni Ariz

"Pumayag naman yung doctor eh." Pagdadahilan naman ni Astrix

"Kahit na! Tignan mo nahimatay siya kahapon dahil siguro di pa siya gaanong nakaka kuha ng lakas kaya dapat nag stay na muna siya sa ospital..." Sabi naman ni Ariz

"Oo na po. Nagpa-paka kuya ka nanaman." Pangangasar naman ni Astrix

"Tumigil ka nga Astrix isang linggo pa lang siya dito. Ganyan na agad nangyayari sa kanya baka isipin ng magulang niya di natin siya inaalagaan."

Such caring person talaga si Ariz pero sa sitwasyon na ito. This is not a care as different gender kundi parang care as kuya at tropa lang. Kung may kuya kaya ako ganito din kaya ang pag aalaga niya sa akin.

"Sige na kakain na ako. Atsaka di ko na kailangan pang magpahinga malakas na ako nuh." Sabi ko naman. Sabay tayo at punta dun sa lamesa kung saan nakapatong yung tray na may pagkain.

"Shin kailangan mong magpahinga o gusto mo manuod ka ng T.v pinalagay yan diyan ng tito mo para di ka daw mabored." Sabi ni Ariz.

"Hindi ko na kailangan magpahinga. Lalake ata ako di madaling manghina." Sabi ko naman

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon