Third Persons *Point of View*
On the month of march day 20 isang lalake ang umuwing pagod na pagod dahil tumulong siya sa bussiness nang tatay niya.
"*Yawn* Nakakaantok naman! Dito muna ako sa sofa matutulog at baka maistorbo ko ang asawa ko." Sabi nang lalake sa sarili sabay higa sa sofa ipipikit na sana niya ang mga mata niya nang sumigaw ang asawa niya.
"Kiro!"
Nagulat naman siya at natarantang umakyat nang papunta sa kwarto nila.
"Yumi! Anong problema?!" Natatarantang tanong niya sa asawa niya.
"Kiro.... Aggghhh.... Manganganak na ako!" Sigaw nang asawa niya habang nakahawak sa malaking tiyan nito.
"Sus, manganganak ka lang pala." Sabi ni Kiro na wala sa sarili dahil sa antok pero nagising nang magsink in sa utak niya ang word na manganganak.
"Ano manganganak ka na! Naku anong gagawin natin." Natatarantang sabi niya habang paikot ikot sa kwarto.
"Dalhin mo ko sa ospital... Aggghhh bi.... Bilisan mo!!!" Sigaw nang asawa niya.
"Ah tama ospital!" Natatarantang sabi ni Kiro at binuhat ang asawa tapos sinakay sa sasakyan.
Kiro *POV*
"Mr. Kahara ligtas pong nagbuntis ang inyong asawa."
Napangiti naman ako sa sinabi nang doctor. Gusto ko sanang nandoon ako sa loob nung pinapanganak ni Yumi ang anak namin kaso di nila ako pinapasok nila mama (Nanay ng asawa) kasi sobra akong natataranta.
Umalis na ang doctor pagkasabi nang magandang balita at ako naman pumasok na sa kwarto ni Yumi.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nakita ko doon si Yumi ngunit nagulat ako nang makita ang anak namin.
"Kambal?" Gulat na sabi ko.
"Oo Kiro kambal ang anak natin. Tignan mo oh ang ganda nilang dalawa." Masayang sabi ni Yumi habang hawak hawak ang dalawa naming anak sa magkabilaa braso nito.
"Ngayon ko lang nalaman na kambal pala sila. Pero bakit parehas na babae?" Kunot noong tanong ko.
"Haha kasi mas gusto nilang kamukha ang ina nila."
"Huy hindi naman siguro baka isa diyan nagsisi kasi di siya naging lalake."
"Ewan ko sayo, gusto mo bang buhatin ang isa sa kanila."
Tumango naman ako at kinuha ang isa sa kanila. Nakita ko ang napakagandang mukha nang kambal at napangiti na lang ako nang hinawakan nito ang daliri ko.
"Anong ipapangalan natin sa dalawa?" Tanong ko na parang wala sa sarili dahil ang ganda talaga nang munti kong princessa.
"Haha, nakalimutan mo na ba na napagusapan na natin yan." Nakangiting sabi ni Yumi.
"Haha siguro nga nakalimutan ko na." Natatawang sabi ko.
"Miyah at Liyah ang ipapangalan natin sa dalawa."
"Ah ang ganda naman nang pangalan nang mga princessa ko, kaso magkamukhang-magkamukha sila di ko makita ang pagkakaiba nila."
"Si Miyah ay may nunal sa batok si Liyah naman wala."
Nagulat naman ako sa sinabi niya at tinignan ang batok nang batang hawak ko at nakita ko na wala siyang nunal.
"So si Liyah pala itong hawak ko." Nakangiting sabi ko at ngumiti rin si Yumi sa akin.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...