*Eyes opens*
"Oh gising kana pala shin!"
"Oh Astrix! Ang aga pa ah! Bat nandito ka sa room ko at sinong nagsabi na pumasok ka dito?!"
"Tulog ka pa ata eh. Di na umaga, tanghali na kaya. Atsaka mansion ko toh pwede akong pumasok sa kahit anong kwarto na gustuhin ko."
"Ha? Baliw ka ba nasa dorm tayo at 1 am palang." Sabi ko sabay higa. Teka ang sabi niya mansion diba? Si Sophia!
Napaupo agad ako at tinignan ang buong paligid.
"Oh ano? Gising ka na ba?"
"Si Sophia na saan?" Tanong ko bigla.
"Si Sophia? Wala si sophia dito."
"Hindi nagpakita siya sa akin kagabi tapos...."
Di ko natuloy ang sasabihin ko kasi bigla kong naalala ang sinabi nang babaeng yun sa akin kagabi. Kailangan ko munang malaman kung ano ang ibigsabihin nang message niya, yan nakalimutan ko na agad kasi nakatulog agad ako nung nagising ako kagabi.
"Tapos ano?" Biglang tanong ni Astrix.
"Wala! May papel at ballpen ka ba? Pahiram naman ako." Sabi ko na lang.
"Diyan ata sa drawer meron." Sabi niya sabay turo sa katabi kong drawer.
Binuksan ko naman agad yung drawer at kinuha ang papel atsaka ballpen na nakita ko doon. Now ano nga ba yung message niya?
* Saan ba ako patungo? *
* Ok pa ba ako? *
* Pero ang toong tanong *
* Hihintayin ba niya ako? *
* Iiwan kaya niya *
* Aalis na kaya siya habang buhay? *
Tama ito nga yung sinabi niya at ito rin ang paulit ulit kong naririnig sa panaginip ko.
"Ano ba itong sinulat mo ah." Biglang sabi ni Astrix sabay kuha nang papel.
"Uy akin na yan!" Sigaw ko naman sa kanya sabay tayo at pilit kinukuha ang papel na nasa kamay niya kaso tinaas niya ang kamay niya at malakas niya sinabi ang mga nakasulat doon.
"Saan ba ako patungo? Ok pa ba ako?" Pangalawang sentence pa lang yun nang sinulat ko at napatahimik na si Astrix at seryoso niyang tinignan ang papel. Binaba naman niya ito at binigay sa akin.
"Ano ok na ba? Nakita mo na ang sinulat ko!" Sabi ko naman sa kanya."
"Sinabi ba yan sayo ni Sophia kagabi."
"Oo, paano mo nalaman?"
"Pinaguest sa akin ni Sophia ang message na yan."
"Talaga! Anong sagot?!" Excited na tanong ko naman. Kaso nawala naman bigla ang seryosong mukha ni Astrix at nginitian niya ako.
"Sagutin mo." Sabi niya tapos tumalikod at binuksan ang pinto palabas.
"Teka! Sagutin mo na kasi!" Sigaw ko naman.
"Hulaan mo, madali lang yan. Bumaba kana pala, kasi ayaw nilang kumain nang lunch nang di completo ang barkada." Sabi ni Astrix sabay labas nang pinto at sinara niya ito.
Kainis na Astrix di nalang sagutin ang tanong ko para mabilis na ang lahat. Tinignan ko ulit ang sinulat ko sa papel at ang sinabi nang babaeng yun kagabi hanggang sa napangiti na lang ako nang maalala ko ang sinabi niya.
Alam ko na ang sagot di ko na kailangan pang hulaan toh.
Bumaba na ako pagkatapos kong maligo at syempre masayang masaya akong bumaba kasi alam ko na ang sagot sa message niya.
Pagkababa ko ay pumunta na ako nang dining area napuntahan ko naman yun kahapon nung naglilibot ako kaya alam ko kung na saan. Nasa labas palang ako nang pinto nang dining area ay naririnig ko ang na ang tawanan nila hanggang sa marinig ko ang isang tawa nang pamilyar na boses binuksan ko agad ang pinto at nagulat ako nang makita siya doon.
"Karin!"
============================================================
Sorry kung short lang Update ko ngayon ah. Pagtiyagaan nyo na lang muna po.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...