Naisip ko na pumunta muna ng kwarto para kunin yung bag ko, tinanggal ko na din yung music box sa bag ni ate at nilagay na sa bag. Then nakita ko yung bracelet na dinala ko. Naisipan ko na suotin na lang ito, pagkasuot ay kinuha ko na yung bag at iniwan na muna yung bag ni ate sa kwarto. Then bumaba na ako para puntahan si tita liyah na nandoon pa rin sa usual spot niya kahit din sila karin nandoon pa.
"Oh sophie kanina pa kita hinahanap. Nandito na ang mga kaibigan mo galing school, nakikiramay din sila sa pagkamatay ni shaina." Sabi ni tita liyah.
"Nandito lang po ako para sabihin na uuwi na po ako." Walang expresyon na sabi ko sa kanya.
"Ha! Eh bakit uuwi ka na!" Gulat na sabi ni tita liyah, na mukhang narinig ng lahat.
"Gusto ko na pong umuwi, babalik naman din po ako." Seryosong sabi ko.
"Ah, ok ka lang ba sophie. Bakit bigla ka na lang nag decisyong umuwi, nagpaalam ka na ba sa lola mo?" Sabi ni tita liyah.
"Magpapaalam na po ako ngayon, nasaan po siya ngayon?" Diretsong tanong ko kay tita liyah.
"Ah nasa may kusina siya." Nag aalinlangan pa na sabi ni tita liyah.
"Pupunta po ako ng kusina." Sabi ko at umalis na ako agad. Kaso napatigil ng hinarangan naman ako nila karin.
"Ano yung naririnig namin na uuwi ka daw?" Pabiro pang tanong ni karin. Kaso wala akong ganang sumagot at pinatili ang walang expresyon kong mukha.
"Anong mukha yan sophie, ngumiti ka naman oh." Sabi ni kris na hawak niya ang pisngi niya at ngumingiti kaso wala pa rin.
"Sophie, alam kong malungkot ang pagkawala ni teacher. Pero siguradong di din siya matutuwa kung nakasimangot ka." Mahinhin naman na sabi ni sash.
"Oo nga naman sophie, atsaka magsalita ka naman oh. Parang nakakatakot kasi pag tahimik ka lang diyan." Sabi naman ni Aliyah, pero nanatili pa rin akong tahimik.
"Hey sophie! *palo ng likod ko* Magsalita ka naman oh atsaka smile." Sabi naman ni liz.
"Tigilan nyo na si sophie, kailangan niya siguro ng oras mag isa." Sabi naman ni ren.
Hindi ko alam kung kaya ko ito ng mag isa, pero kailangan kong gawin ito ng mag isa.
"Sorry, pero tama si ren kailangan ko ng oras mag isa." Sabi ko at naglakad na palayo sa kanila. Alam kong gusto nila ako pigilan pero mukhang pinigilan sila ni ren kaya di na nila ako napigilang umalis.
Diretso lang akong naglakad patungong kusina pagkadating ko doon ay wala si lola, isang lalake na pamilyar sa akin ang nakatalikod lang ang nandoon. Ayaw ko sana siyang tanungin kaso gusto ko ng makauwi agad kaya kaysa sa maghanap ako eh maganda sigurong magtanong na lang ako.
"Na saan si lola?" Tanong ko at sa kilos niya ay mukhang nagulat siya sa pagsalita ko. Pero lumingon naman siya na kinagulat ko. Si astrix nasa may lababo naghuhugas ng mga plato.
"Ah wala si lola yumi dito, di niya sinabi kung saan siya pupunta pero babalik din daw siya agad." Sabi niya.
"Ah ganun ba, ok lang ba kung maghihintay ako dito?" Nasabi ko na lang dahil baka pag hinanap ko si lola yumi sa labas ay baka magkasalinsingan pa kami.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...