History class is so boring maka tulog na nga tutal alam ko na rin naman yung tinuturo.
Ewan ko ba sa sarili ko lagi kong alam ang mga tinuturo nang mga teachers kahit tamad na tamad akong magbasa yung tipong parang ang may malaking libro sa utak ko na pag tinanong mo masasagot ko maliban na nga lang pag ginulat ako. Na bla-blanko bigla utak ko.
***
Na saan na nga pala ako nasa dream world na ba ako ulit. Simula kasi nung nangyari sa vacation di ko pa rin nakikita si Sophia. Sabi niya isolve ko daw yung message niya pero mukahang nali naman ata ang sagot na natuklasan ko kasi di ko pa rin siya nakikita.
"Did you miss me?"
"Ay multo!"
Nagulat ako bigla sa nagsalita paglingon ko nakita ko si Sophia.
"Welcome back!"
"May ipapakita ka na bang bagong pictures o may ibibigay ka nanaman bang bagong message?" Excited na sabi ko eh gustong gusto ko malaman ang past ko.
"Syempre picture and message. Wait lang nakita mo na ba yung susi nung diary?"
"Eh? Susi? Di ko naisip na hanapin ang susi nun."
"Ba yan, sirain mo nalang yung lock para mabasa mo na yung diary."
"Eh sayang naman kung sisirain ko."
"Ipaayos mo na lang ulit."
"Gagastos pa ako."
"Ewan!"
"Suko ka na."
"Hindi kasi saglit lang ang oras natin dahil magiging mas close pa kayong dalawa simula ngayon. I mean lagi na kayo magkikita."
"Sino?"
"Basta."
"Tsk, na saan na yung picture na ipapakita mo."
"Wait lang memories muna."
"Ok, basta gusto ko na malaman ang tungkol sa past ko."
"Wala ka ba talagang naalala kahit na isa kahit yung kiniwento sayo ni Karin yung Kahara family."
"Hayy, siguro lahat nga kinalimutan mo kahit pangalan mo."
"Alam ko pangalan ko nuh."
"Sabihin mo nga."
"Sophie K. Mcrell"
Nagulat na lang ako nang napa palo siya sa ulo niya mali ba nasabi ko?
"Ok iisa isahin ko muna lahat, di kita pwedeng madaliin kahit nandiyan na siya."
"Ha? Ano bang sinasabi mo diyan."
"Ako si Sophia K. Mcgrace."
"Alam ko."
"Alam mo ba meaning nang K sa gitna ko."
"Hindi"
"It's Kahara."
"What! Kahara! Ibigsabihin nanay natin yung kambal na yun. Naku sana di ko nanay yung maka mama kasi feeling ko maldita yun."
Napapalo ulit nang ulo si Sophia ewan ko ba sa babaeng toh kanina pa pinapalo ulo niya.
"Alam mo di naman importante kung sino ang nanay natin dun sa dalawa eh ang gusto ko lang maalala past ko."
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...