◎ Chapter Three; My Uncle Is A Star

258 52 28
                                    

Sophie *Point Of View*

Aalis na ako

Masyadong mabilis ang lahat

Sa dami dami pa ng pwedeng makatuklas ay siya pa

T.T bakit ganito?

"Ganito na ba ang mga babae ngayon?"

"Hindi ko alam na magpapakalalake siya para lang makapasok talaga dito."

"Di na siya nahiya."

"Baka Amazona walang takot sa lalake."

Lahat ng yun ay naririnig ko sa mga ka dorm mate ko habang nililisan ko ang lugar na ito.

Bakit ganun kay bilis nang pangyayari? Kahapon ay napakasaya ng simula ng araw ko pero mag wawakas lang pala sa ganito ayoko nito.

Nasa gate na ako ng bigla kong nakaharap si Ariz. Naku kailangan kong magsorry sa kanya. Kaya pinikit ko ang aking mga mata at sinabi na.......

"Sorry Ariz, Sorry talaga! Di ko naman talaga plano ito eh, si ate. Tama si ate may gusto nito kahit na may pagka will talaga ako na ma meet ka basta si Ate may pakana nito." Di ko na alam ang sinasabi ko napaluhod na lang ako bigla at niyakap na ang mga paa niya sabay sabi ng "Kaya please, please lang patawarin mo ko."

"Ano bang sinasabi mo diyan tumayo ka nga! Bakit naman kita papatawarin?" Parang maypagkataka ang boses niya pero feel ko na sinasabi niya sa akin na hinding hindi na kita papatawarin

"Hindi ako tatayo hanggat di mo ko napapatawad. I just need your forgiveness before I leave"

"Tumayo ka na nga!"

Never give up yun ang sabi ni ate. Idinilat ko ang aking mga mata at tumingin sa kanya pero kung kailan may sasabihin ako napatahimik ako bigla ng tignan ko ang nasa paligid.

"Bakit tayo nandito?"

"Ha??? Ano bang sinasabi mo diyan?"

"Diba nasa labas tayo, bakit nandito tayo ngayon sa loob ng dorm?"

"Ewan ko sa iyo bagong gising ka lang ata."

"Ha???"

"Pumunta lang ako dito para sabihin na kumain na tayo ng hapunan ano bang nangyayari sayo."

"Eh!? Nananaginip ng gising, Naku!" Tumayo ako agad matapos ma realize ang katotohanan sa hindi.

Akala ko aalis na talaga ako ng dorm. Grabe ano yung ginawa ko nakakahiya pero narinig niya kanina yung mga sinabi ko.

Di ako makapaniwala kaya nanigurado ako at pumunta sa may kainan at umupo tapos kinausap siya

"Pero kanina narinig mo yung sinasabi ko sa kwarto diba."

"Anong sinabi, hindi mo ba na aalala yung sinabi ni pres na may privacy tayo sa kwarto natin?"

"Ah ang ibigsabihin soundproof ang bawat room."

"Ngayon mo lang na isip yun."

"Sorry naman akala ko kasi privacy lang sa mga ginagawa pati rin pala sa pinag uusapan."

"Di naman siya literal na sound proof, pag sumigaw ka maririnig ka. Pero pag di ka sumigaw edi di maririnig. Pinagtataka ko lang, may kasalanan ka ba sa akin? Kasi sorry ka ng sorry at anong will mo rin?"

"Ah yun ba, kasi nauna na ako dito sa dorm di na kita hinintay nahiya tuloy ako sa iyo." Buti may palusot ako

"Ah ok, may ate ka pala."

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon