Sophie *POV*
"Ang tagal naman maayos niyan." Pagrereklamo ko kayla Noah na ngayon ay inaayos itong sirang sasakyan namin.
Today is the start of our 1 week vacation. Pero grabe nasa kalagitnaan na kami nang biyahe nang biglang nasira ang sinasakyan namin. Buti na lang marunong mag ayos nang kotse sila Noah.
"Wag ka nang magreklamo diyan Shin. Ikaw na nga lang itong nakaupo diyan at walang ginagawa."-Shun
"Eh anong magagawa ko. Alangang tumulong ako diyan. Di nga ako marunong mag ayos nang kotse. Baka gusto nyong masira lalo yan."-Ako
"Tama siya Shun pabayaan mo silang dalawa diyan ni Astrix magpaka ala Principe."-Gerald
Hehe, kaming dalawa lang kasi ni Astrix ang di marunong mag ayos nang kotse. Yung the rest kahit si Ariz ko ay nag aayos nang kotse. Teka bakit may ko yun? Wag nyo na lang pansinin ah.
"Edi *Labas ng Kotse* Itong Pricipeng ito ay maglilibot muna." Sabi ni Astrix na kanina pa nagpapakasarap umupo sa loob ng kotse.
"Kung maglilibot ka isama mo na rin itong si Shin."-Shun
"Ha? Bakit ako kasama?"-Ako
"Wag ka nang magreklamo. Mas maganda yun para may gawin kayo."-Gerald
"Edi ok *Akbay sa Akin* Kaming dalawang principe ay maglalakbay muna habang kayo na mga alipin namin ay inaayos ang kotse." Nangangasar na sabi ni Astrix.
"Uy Astrix umayos ka ah. Bantayan mo yang pinsan ko na yan."-Ariz
"Opo boss. Tara na Shin." Aya sa akin ni Astrix
Bago pa man ako makapag reklamo kay Astrix ay hinila na niya ako agad paalis. Kaya ayun naligaw kami sa gubat.....
"Sigurado ka bang dito ang daan pabalik." Sabi ko kay Astrix. Habang hawak niya ang kamay ko.
Teka hawak niya ang kamay ko.
*Dug*
*Dug*
*Dug*
Ahhh..... Ang puso ko! Bakit ganito ang puso ko!? Bakit ang bilis nang heartbeat nang puso ko?
My god! Hinga ng malalim
*Inhale*
*Exhale*
*Inhale*
*Exhale*
*Still Holding Hands*
*Dug*
*Dug*
*Dug*
Ahhh.... Ang bilis pa rin tibok ng puso ko.
"Ummm.... Ito ba ang tamang daan?" Tanong ko sa kanya.
Wag nang isipin ang holding hands.
Wag mong isipin.
Tama dapat di na iniisip ang holding hands na toh. Hawak lang naman niya kamay ko eh.
"Ano na Astrix?" Tanong ko nanaman sa kanya.
"Naliligaw tayo."
"Ano!?"
"Pero wag kang mag alala. Mag iiwan tayo nang mark ngayon. Para malaman natin kung nadaanan na ba natin ang path na yun o hindi."
"Sana makabalik na tayo agad sa kanila."
"Alam mo Shin pansin ko lang."
"Ano yung napapansin mo?"
Biglang humarap sa akin si Astrix na kinagulat ko naman. Tapos tinaas ang kamay ko na para bang mag propropose lang.
*Dug*
*Dug*
*Dug*
Ito nanaman ang bilis nanaman nang heartbeat ko!
"Ano bang nangyayari sayo Astrix?"
"Wala lang, yung kamay mo kasi kasing lambot nang kamay niya." Seryosong sabi niya.
"Sinong niya?"
"Ah... Wala lang yun. Tara na, hahawakan ko lang muna itong kamay mo ah. Baka kasi mawala ka. Masisi pa nila ako."
Pagkatapos sabihin yung Astrix ay tumuloy na siya sa paglalakad at syempre ako rin. Grabe ang higpit nang pagkakahawak niya, kung iisipin ko. Parang ako ang girlfriend ni Astrix na ayaw niyang bitiwan kahit anong mangyari.
*Dug*
*Dug*
*Dug*
Bakit sa tuwing iisipin ko siya tumitibok ang puso ko? This is really abnormal. Pero I dont feel any thing. Hindi ako natatakot at feeling ko safe lang ako sa tabi ni Astrix. Why do I feel like this?
Naglakad kami nang naglakad sa nakakaligaw na gubat na ito. Hanggang sa mabalikan namin ang iniwan naminng mark sa puno.
"Diba ito yung minark natin kanina?" Tanong ko kay Astrix.
Yung mark kasi namin ni Astrix ay arrow at kung saan kami papunta tapos nilagyan namin nang name. Kasi baka ibang mark naman. Pero ayun nga yung mark nga namin ang nakita ko.
"So ito na lang ang only way."
"So naliligaw na talaga tayo."
"Kanina pa. Dito tayo."
Tapos ayun hinila nanaman niya ako. Hila dito, hila doon, hila diyan at hanggang sa napagod na ako at di ko na kayang maglakad.
"Magpahinga na muna tayo."-Sabi ko sabay upo sa lapag. Pero nakahawak pa rin sa akin si Astrix. Kung iba ang makakakita nito iisipin nila bromance toh.
"Doon na tayo magpahinga." Sabi niya sabay turo.
Edi sinunod ko naman siya. Tumayo ako kahit napapagod na talaga ang paa ko at pag kapunta namin sa tinuro niya nakalabas na kami ng gubat.
Dagat ang nalabasan namin at may isang malaking mansyon ang nandoon.
"Oh mukhang napunta tayo sa destination natin kakalakad."-Astrix
"Ha? Destination? Dont tell me sa mansion na yan tayo mag sta-stay!"
"Oo, yan yung mansyon ko. Punta tayo doon para masure. Kasi baka nag hahalucinate tayong dalawa sa pagod."
Pinuntahan namin yung malaking mansion at nung may nakakita sa amin ay binuksan agad ang gate.
"Master! Bakit wala po yung iba nyong kasama. Bakit kayong dalawa lang po?"-Sabi nung lalake na mukhang taga pangalaga ng mansion.
Balak nga namin pumunta sa mansion ni Astrix at syempre di na ako magugulat dun. Dahil siya nga ang may-ari nang sikat na mall. Kaya possible lang talaga na magkaroon siya nang ganitong kagandang bahay.
"Teka sila Ariz! Baka hinahanap nila tayo."
"Wag kang mag alala sinabi ko na dun sa alalay ko na sunduin sila. Sige akyat muna ako. Pwede kang maglibot kung gusto mo."
"Ahhh sige. Maglilibot ako pag napahinga ko na itong paa ko."
"Ok."
Nagpahinga ako tapos ininum ko yung juice na binigay sa akin nang maid. Nang napahinga ko na yung paa ko ay naglibot na ako. Namangha rin ako sa lugar na ito dahil ang ganda at ang laki. Lakad lang ako nang lakad. Hanggang sa may nakita akong isang room na nakalagay ay Painting/Statue room. Wala naman nakalagay na off limits kaya pumasok ako.
Pagkapasok ko may mga statue doon. Tapos sa pader ay puro painting at nang napunta ako sa dulo isang painting na may tela ang nakalagay doon. Na curious ako kaya tinanggal ko yung tela para makita yung painting. Nagulat na lang ako nang makita ko kung ano ang naka paint doon.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...