◎Chapter TwentyNine; How Karin Know About The Three

47 7 0
                                    

Yey! Ito na po ang UD happy 4k reads na hehe, so ayun for 4k celebration :) So tuloy Ud na hihi. Anyway dedicated pala toh kay Hannahlove56 sana magustuhan mo toh ^^

======================================================
"Ikaw si soft, ikaw ang bestfriend ko."

Nanatili akong nakatayo at di ko alam ang sasabihin ko. Paulit ulit ko lang naririnig ang mga katagang sinabi ni karin na ako si soft na ang totoong pangalan ay Fujiyama, Nariko. Ibigsabihin hindi ako si Sophie Mcrell kundi ako si Fujiyama, Nariko. Hanggang sa maalala ko ang message na iniwan sa akin ni sophia.

"It's nothing for you"

Yun ang sinabi niyang message at may sinasabi siya sa akin na wag kong kakalimutan iwan ko na ang gitna pero wag ang umpisa at ang dulo ibigsabihin ba nun ang message ay "It's you"

Tinignan ko ng di makapaniwalang tingin si karin pero yung mga mata niya kitang kita mo sa mga mata niya ang sincerity. Kailangan kong magsalita hindi pwedeng manatili akong tahimik. Dahil sa sinabi niya dun ko naisip ang message ni sophia. Akala ko hindi yun, yun kaya di ko pinansin hindi ko pinasok sa utak ko dahil napaka impossible pero ngayon dahil sa sinabi ni karin. Kailangan ko na talagang magsalita.

"A-ako ba talaga si Soft este si Nariko?" Di makapaniwalang tanong ko kay karin, na gusto ko sana mag loko loko na lang siya ngunit nanatiling seryoso ang mukha niya at nakatingin na sinabi sa akin na...

"Oo ikaw yun."

Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Anong sabi mo? Hindi si Soft yang nakahiga ngayon diyan sa kama at si soft ay itong dinala ko dito?" Sabi agad ni voice pagkabukas niya ng pinto.

"Voice! Ba't bumalik ka?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Binalikan kita dahil nako-konsensya akong iwan ka, pero ano itong narinig ko. Totoo ba yun? Ikaw nga ba si soft?" Di makapaniwalang sambit ni voice.

"Siya si soft, siya si nariko na bestfriend ko simula pa nung mga baby kami." Sabi ni karin.

"Pero ba't sinabi mo ako si sophie? Ba't di mo sinabi na ako si nariko nung bumisita ka?" Tanong ko sa kanya.

"Sa may hotel ko na lang tayo mag usap, hindi tayo pwede dito." Sabi ni karin.

"Bakit naman karin? Bakit hindi pwede dito?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Dahil ayaw niyang marinig ito ng kuya mo." Nasabi na lang ni voice "Kung ikaw nga talaga si soft." Dagdag pa nito. Kuya ko? May kuya ako? Tapos itong pag uusapan namin ay hindi pwede marinig ng kuya ko?

"Padating na yun, hintayin nyo na lang ako sa may cafe diyan sa labas. Hihintayin ko muna si ryo para may bantay siya. Hindi pwedeng malaman ni ryo na nandito ka." Sabi ni karin sabay tingin sa babaeng nakahiga ngayon sa kama at tingin sa akin. "kung sakaling magkabungguan kayo wag nyong sabihin na pumunta kayo dito sabihin nyo nag pa check up kayo" Dagdag pa niya, kung ako si nariko edi sino itong nasa kama ngayon? Siya kaya si sophie?

Hindi na ako nagsalita, lumabas na lang ako ng kwarto at sumunod naman si voice sa akin. Naglakad lang ako na nakayuko hanggang sa may nakabunggo ako sa braso. Hindi ko nilingon kung sino yun pero alam kong lalake yun patuloy lang sana akong maglalakad kaso napatigil ako ng bigla itong nagsalita. Pero hindi ako ang gusto niyang kausapin kundi si voice.

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon