Kapatid ni ate..................
Di ko talaga kapatid si ate alam ko yun..................
Pero malaman na kapatid siya ni ate...............
Nasa dorm na ako ngayon. Nang marinig ko na kapatid pala siya ni ate tumakbo na agad ako pa uwi di na tuloy kami naka pag shopping ni ate at ngayon nag kukulong ako sa kwarto na parang babae lang. Pwede na siguro akong umalis dito kaso gusto ko pang tapusin ang buong month. Tiisin na lang natin isang month lang naman eh. Bukas na ang pangalawang linggo. Pero kaya ko pa ba siyang harapin.
*Tok* *Tok* *Tok*
"Shin alam kong nandiyan ka kaya buksan mo itong pinto."
Hmp, bakit ko bubuksan. Hindi naman ako babae para buksan yan at magdahilan ka. Wala ka naman ginawang kasalanan tutal ako ang may ginawang mali kaya ngayon nagkukulong ako dito sa kwarto kahit alam kong di nun masusolusyunan ang problema. Magpapanggap na lang akong tulog.
"Shin buksan mo na itong pinto. Sinabi na sa akin lahat ni ate."
Hah!? Anong sinabi? Wag mong sabihin sinabi na niyang babae ako kay Ariz lalong ikakasira nun ang lahat. Waaah...... Ayoko pang malaman niya ang lahat.
"Shin buksan mo na itong pinto nagugutom na ako." Nagulat na lang ako si Astrix ang nagsalita.
Teka linggo nga pala ngayon so schedule kong magluto ngayon. Hayy wala akong gana kayo na lang magluto!
"Hoy Shin! Anong nangyari? Bakit lumabas ng dorm si Ariz?"
Aba malay ko ba sa kanya. Basta ayoko munang ipakita ang pagmumukha ko.
Ahhhhh......... Nag ka crush ako sa pinsan ko!!!!! Ano naman! Crush lang yun. Hinahangaan ko lang siya. Bakit ganito nadarama ko. Huhuhu
"Shin! Tulog kana ba!? Kakain na lang ako sa labas ah! Ikaw magluluto nang almusal bukas dahil di ka nagluto ngayon!"
Oo na, ako na! Gigising na lang ako ng maaga!!!!!!
*KINABUKASAN*
As what I say gumising nga ako ng maaga. Gumising ako ng 4 am para magluto maligo at kumain atsaka maghanda para pumasok. Pagkatapos kong gawin lahat ng yun hinanda ko na ang almusal ng dalawa at yung lunch nila nilagay ko sa lamesa para makita nila. Tapos ginawa ko na ang lunch ko at nagsuot na ako ng sapatos. Lumabas na ako ng dorm at dahil masyado pang maaga at baka maagang pumasok yung lalakeng yun maglalakad lakad muna ako.
Pumunta ako sa may park at napahiga dun sa may patagong bench at dahil maaga akong nagising ay napapikit ang mata ko at nakatulog.
Pagdilat ng mata ko ay napatingin ako sa cellphone ko at laking gulat ko na 7;57 na 3 minutes na lang ay 8 na malalate na ako!
Tumayo na ako agad at tumakbo papuntang school. Malakas kong binuksan ang pinto ng classroom at nandoon na ang adviser namin nag checheck ng attendance. Lucky me kasi di pa natatawag name ko. Ganun dito eh. Pag dipa natatawag ang name di ka pa late. Kaya umupo na ako sa sit ko.
Another swerte kasi nasa kabilang classroom si Ariz yun nga lang si Astrix na kaklase ko at nasa harapan ko siya naka upo.
"Psssst Shin." Tawag niya sa akin kaso di ko siya pinansin.
"Psssssssst Shiiiiin." Tawag niya ulit kaso di ko siya pinansin.
"Shiiiiiiiin pansininnn mo ko....." Pangungulit niya ulit kaso di ako nagpa kulit.
"Shiiin shiiin." Sabi niya ulit. Hanggang sa.....
"Mr. Rumualdez nasa likuran ba ako, para diyan ka tumingin." Ayan nahuli tuloy ng sir.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...