Sophie *Point Of View*
"AGGGGHHHHH!!!!!! ANG SAKIT NG ULO KO!!!!"
Pagkagising na pagkagising ko inisip ko agad ang nakita ko at ngayon masakit ang ulo ko. Inis
>.<
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Pero dahil sa sigaw ko ay may dumating na nurse. Mukhang narinig nila akong sumigaw.
"Sir ok lang po ba kayo?" Sabi nung nurse.
"Ah oo ok lang ako, may iniisip lang kasi ako." Sabi ko naman dun sa nurse
"Sigurado po kayo?" Paninigurado nung nurse. Pero bago pa akong magsalita ay may ibang nagsalita.
"Mukhang ok naman siya eh, pwede ka nang umalis." Sabi nung lalake na nasa may pinto nakatayo. Grabe ang gwapo niya at naka normal attire siya.
Umalis na yung nurse. Tapos lumapit naman sa akin yung lalakeng yun.
"Ok ka naman pala, akala ko hindi. Malagot ako nito kung hindi eh." Sabi niya.
"Gusto ko nang umuwi." Yun lang ang sinabi ko kasi ayoko dito sa ospital nakakatakot.
"Hindi pa pwede hanggat di pa sinasabi ng doctor."
"Pero gusto ko nang umuwi." Pamimilit ko. Nakakatakot talaga ang ospital. Ayoko talaga dito.
"Mag pahinga ka. Di mo ba alam kinabahan ako kanina akala ko di ka na magigising."
"Pasensiya na kung kinabahan ka." Sabi ko naman sabay yuko nang ulo.
"Di ok lang, kasalanan ko din nagmamadali kasi ako." Sabi niya
"Ah ganun ba, saan ka ba dapat pupunta?" Curious lang kaya natanong ko yun at para di ko na rin maisip na nasa ospital ako.
"Sa mall" Sabi naman niya. Bakit naman?
"Anong meron dun?" Curious eh. Kasi bakit siya magmamadaling pumunta sa mall. Aha! Baka may date
"May nangyari lang na commotion." Sabi niya sabay upo. Akala ko may date kasi siya.
"Ah ganun ba, ok na ko. Dapat pumunta ka na doon." Sabi ko kasi baka kailangan talaga siya dun.
"Di ok lang kailangan din kitang bantayan." Sabi niya na dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Paano kung alam niya na babae ako baka mas malala pa ang mangyari. Shocks! Nag daday dream nanaman ako.
"Ah hi-hindi ayos lang ako. Di naman ako na-nasaktan eh. Kaya pwede ka nang pumunta doon sa mall, mu-mukha kasing kailangan ka nila." Utal utal na sabi ko.
Grabe nakakahiya toh ang bilis talaga ng tibok ng puso ko everytime na nagsasalita siya at di lang yun pag titingnan ko siya sa mga mata niya feeling ko tumitigil ang oras.
"Ah hindi ok lang tapos na daw yun, tinawagan na nila ako kanina." Sabi niya ulit
"Ganun ba." Yun na lang nasabi ko di ko na kaya ang nangyayari.
Bakit ganito ang heart beat ko napaka abnormal? Baka ito ang result ng pagkakasagasa ko. Siguro hindi pa ako fully recovered o di kaya may gusto na ako sa kanya!
Buti na lang at dumating yung doctor edi di na medyo bumibilis ang tibok ng puso ko tapos di ko siya tinitignan para back to normal na ang heart beat ko. Chineck na ako ng doctor kung may problema pa ba sa akin and in the end sinabi niya na pwede na akong umuwi pero kailangan medyo alalayan ako. Kasi baka mabigla daw katawan ko. Di naman ganun kalala eh. Kaya iniisip ko na ako na lang ang mag isang uuwi.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...