◎Chapter ThirtyTwo; In My Dreams

33 4 0
                                    

Someones *PoV* (Hehe secret muna sino siya kahit medyo halata na kung sino. Well short pov lang naman. Note nandito na ang second part ng 4th message sana malaman nyo kung ano yun.)
Umiyak lang siya ng umiyak. Nagulat nga ako sa biglang pagyakap niya at pag i-iyak iyak niya at bigla na lang kusang gumalaw itong kamay ko at niyakap siya. Hinimas himas ang buhok niya at niyakap lang siya hanggang sa tumahan siya. Kala ko magsasalita na siya kung bakit siya biglang nag i-iyak iyak kaso nakatulog na pala siya kaya tumigil na siya sa pag iyak mukhang nagawa niya pa akong gawing unan niya.

Binuhat ko na lang siya at mababasa ko naman sa may pinto ang pangalan niya kaya binuksan ko ito at binuksan ang ilaw. Nagulat naman ako sa ayos ng kwarto niya napaka gulo. Para bang kwarto ni shin itong kwarto niya. Naalala ko tuloy si shin san na kaya yung lalakeng yun di na nagparamdam. Hiniga ko na lang siya sa may kama niya at kinumutan at napaupo sa may tabi niya at napatingin sa may pinto na bukas at kitang kita ang hallway na nagpapatay sindi na ang ilaw. Kaya siguro nag iiyak ito dahil siguro sa takot pero di naman siya nanginginig nung yumakap sa akin. Bahala na nga.

Tumayo na ako, tapos binuksan ang ilaw ng lamp shade sa may tabi lang ng kama niya then binuksan ko ang drawer at doon may nakita akong flashlight kaya nilabas ko yun at tinabi lang sa may tabi ng lamp shade. Palabas na ako ng bigla napatigil ako ng makita kong muntik ko nang maapakan ang phone niya. Tinignan ko ito at pinagde-delete yung missed call niya sa akin pati yung mga message na sinend ko sa kanya kanina buti na lang walang password itong cellphone niya. Pagkatappos kong gawin yun ay tinabi ko na lang ito sa may alarm clock niya. Then lumabas na ako ng kwarto niya pinatay ko muna yung ilaw bago ito isara. Bumaba ako pero di muna ako umalis pumunta ako sa may room of supplies kung saan syempre nilalagay lagi ang mga supply sa bahay. Binuksan ko ang kabinet na may nakasulat na bulb at doon kinuha ko ang box na may nakasulat na light bulbs for second floof hallway. Kinuha ko ito at kumuha muna ako ng upuan bago bumalik sa taas. Pinatay ko muna yung isa tapos palit then bukas patay naman sa kabila tas palit tapos sindi ulit. Nilagay ko sa box yung tinanggal kong light bulbs at kinuha ang upuan then bumaba na.

Pinatay ko na yung ilaw sa baba bago ako umalis. Nilock yung pinto tapos nilock ang gate. Alam nyo ba kala ko talaga nung una napasukan siya ng magnanakaw eh, panu ba naman kasi di naka lock ang gate at pinto niya kaya nga madali akong nakapasok. Pero satingin ko nag iiyak lang talaga yun dahil kala niya may multo. Pero ayoko ng mag stay pa dito dahil ayokong magising siya at malaman na pumunta ako. Kaya nga dinelete ko ang missed calls ko sa kanya at messages eh.

Sumakay na ako ng kotse at napa isip ba't ba sa dami dami ng pwedeng tawagan ako pa ang natawagan niya? Madaming tanong ang bumabalot sa isipan ko pero mabuting wag ko nang isipin. Nagmaneho na ako dahil may party pa akong dapat puntahan.

Sophie *PoV* (Oh diba short PoV lang yun wala pa ngang 1,000 or 600 words yun eh hehe.)
Pagdilat ko ng aking mata ay nakita ko nasa may labas sa may likod ng bahay ako ngayon. Nakahiga lang ako sa may lapag. Kaya napaupo ako at nakita ko na kaharap ko na ang pool pagbigla siguro akong tumayo at na out of balance eh panigurado hulog ako.

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko ng mapansin ko ang pader na nasa may harap ko lang pero malayo sa akin kasi kailangan mo pa tawirin ang pool para makalapit doon. Pero dahil ayokong mabasa eh naglakad ako sa may kabialng gilid ng pool at lumapit sa may pader na yun. May mga vine na ng halaman ang nakapalibot dito kaya tinanggal ko ito at doon may nakita akong papel na may balot ng plastic. May nakasulat sa papel na "This Way To My Treasure Tree" kaya napakunot ang noo ko kasi nga nakadikit siya sa pader ano yun aakyatin ko itong pader hanggang sa mapansin ko na may drawin ng hagdan sa may ibaba lang ng drawing na lupa na nasa baba naman ng nakasulat na "This Way To My Treasure Tree" kaya napatingin ako sa ibaba at naisip inilibing niya ata dito yung hagdan.

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon