◎Chapter TwentySeven; Abduction?

92 11 0
                                    

Sophie *PoV*

Ilang araw na rin ang lumipas simula nung bisita ni Voice sa bahay, grabe di nga ako makapaniwala sa inasal niya eh. Kasi naman nung bumalik ako nang room naka cross arms lang siya at tinignan lang si Rens. Then nang makita ako nag paalam na siya na aalis na siya dahil tinext na siya nang kuya niya at sinabi sa akin na magkikita pa daw kami ulit. Maghintay lang ako.

*Pout*

*Cross Arms*

"Uy!"

"Ha! Ah bakit?" Nagulat ako bigla sa paghawak sa akin ni Karin at napatingin sa kanya.

"Haha, gulat na gulat yang expression mo oh." Sabi ni Karin at tumawa lang.

"Oh nuh meron at tawa nang tawa itong si Karin." Sabi naman bigla ni Aliyah na mukhang kakarating lang.

"Eh kasi ginulat niya itong si sophie na kay lalim lalim nang iniisip." Sabi naman ni Sash. Sabay inom nang bottled water pero di niya nagawang inumin, why? Eh kasi clumsy nga siya kaya ayun bago pa niya mainum yung tubig niya natapon niya ito.

"Waaah! Binasa mo ang brand new kong sport shoes." Sabi naman ni Liz na kakarating lang din.

"Sino naman kasing may sabing suotin mo yang sports shoes mo kung nakapalda ka naman." Pangangaral naman ni Rens sa kapatid.

"Goodmorning!" Masiglang bati ni Kris.

"Morning!" Bati naman namin sa kanya.

"Hayyy, sinuot ko lang naman itong sports shoes ko kasi may p.e mamaya. You know, I'm just getting ready lang naman. Kaso nabasa huhu." Pagluluksa ni Liz sa kanyang sports shoes.

"Sorry na Liz di ko naman sinasadya." Malungkot na sabi ni sash at napaheads down na lang.

Kaya tinignan ko si Liz at napatingin naman siya sa akin. Binigyan ko siya nang nakakakonsensyang tingin at napailing iling.

"Nuh ka ba sash ok lang, matutuyo naman itong sapatos ko atsaka tubig lang naman yang nabuhos mo sa akin." Sabi naman ni Liz sa kanya.

"Di ka galit?" Tanong naman ni Sash.

"Hindi, nuh ka ba bat naman ako magagalit sa kaibigan ko." Sabi naman ni Liz.

"Seryoso." Nakangiti na, na sabi ni sash at nag angat ulo na siya.

Tumango naman si Liz at habang nagkakaayos ang dalawa at pinapanood sila nang buong barkada ay sabay na napaupo sa magkabilang gilid ko ang dalawa kong seatmate and it looks like nasa bad mood ang dalawa.

Di na ako babati alam ko naman galit sila sa akin. Di ko nga alam kung anong nagawa ko at nagalit sila sa akin nang bonggang-bongga.

Kakaisip ay di ko maiwasan na di bumuntong hininga.

"Nuh problema?" Tanong bigla ni Rens.

"Ah wala, may iniisip lang."

"Ganun ba, nga pala kilala mo ba yung magiging bagong kaklase natin ngayon?"

"Bakit?"

"Sabi kasi ni sir ikaw daw magto-tour sa kanya dahil kilala mo siya."

"Ano!" Nagulat ako biglang sa pagsigaw at pagtayo ni Astrix. Tapos nakatingin siya ngayon sa akin. Inunahan pa ako sa pagsigaw nang Ano! Pero bakit naman siya magugulat ah dapat ako nga magulat eh.

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon