◎ Chapter Four; Before and After Swiming Class

252 49 44
                                    

Sophie *Point Of View*

"HINDI AKO LALABAS!!!" Sigaw ko, kasi may kung anong sinabi si pres kay Ariz na dahilan ng pagiging makulit niya.

May pagka mood swing itong si Ariz pag may sinabi ka sa kanya eh, ah basta yung pagkatakot niya ngayon sa swiming class nawala at ngayon pinipilit niya akong pumasok ng swiming class.

Soundproof nga pero pag nagsigawan naman maririnig mo na ang usapan. Buti na lang di ko sinigaw yung sinabi ko kahapon

"Hoy Shin, buksan mo na itong pinto. Kung di ka marunong lumangoy hayaan mo na!" Ano tuturuan mo ko? Kung marunong kang lumangoy siguro pumayag na ako kahit marunong naman akong lumangoy.

"Basta ayoko!"

"Wait ka lang diyan may kukunin ako!" Anong kukunin niya? Susi ng room ko, na sa akin kaya maliban na lang kung may extra key! Naku!

Paano toh, siguro naman may secret room dito o something. Sana may mahanap ako kahit anong taguan.

*Hanap dito*

*Hanap doon*

Pero kahit anong gawin kong hanap ay wala akong mahanap, hayy naku nakakapagod. Humiga na lang ako sa kama ko at tumingala sa taas hanggang sa may nakita akong suspicious na light bulb. Pumunta ako sa buksanan ng ilaw. Triny ko buksan lahat ng ilaw doon pero yung suspicious bulb hindi bumukas. Hmmmm, di kaya may iba pang switch.

*Hanap dito*

*Hanap doon*

Ginawa ko ulit yun pagkatapos may nakita akong suspicious book binuksan ko yun at pagbukas ko nun ay nagulat ako ng biglang umilaw yung suspicious bulb at may kung anong bumukas sa may kisame. Ito na kaya yung secret door na hinahanap ko astig.

Sa sobrang manghanga ko di ko namalayan na binubuksan na pala ni Ariz yung pinto naririnig ko na yung susi kaya pumasok na ako agad sa secret door at na bitawan ko yung libro sa tabi ni Andy nung pagbitaw ko sumara na yung secret door. Paano toh? Mukhang yung libro lang yung magpapabukas nitong secret door. Patay tayo diyan.

Pero atleast nakatakas ako kay Ariz. Nabuksan na kasi niya yung pinto saktong pagsara naman nitong secret door kung na saan ako.

"Hoy! Shin saan ka nagpunta ah! Lumabas ka nga! Kung saan ka man nagtatago." Sigaw ni Ariz, naiinis na ata siya maya-maya kasi magsisimula na ang swiming at pag na late na wala ng swiming.

Sorry Ariz pero kailangan ko itong gawin. Ayoko pang mabunyag at masira ang maganda kong mundo dito.

Dumapa muna ako at sumilip sa may butas at doon nakita ko si Ariz nakatingin sa kama ko. Teka nandoon si Andy ah! Naku! Yung libro nandoon din.

"Andy? Anong ginagawa mo dito?" Biglang sabi ni Ariz.

Teka lang siya lang mag isa diyan sa baba at nandoon si Andy ang pangalan na kakabanggit lang niya kanina. Pero ako lang at si ate ang nakakakilala kay Andy.

Sa sinabi ni Ariz pilit ko na talagang tinignan kung ano ang ginagawa niya at doon nakita ko na kinuha niya si Andy pati yung libro na makakapagbukas nitong secret door. Naku! Don't dare to open that book, please lang ayoko pa talagang mabunyag.

"Nandito ba si Sophia?" Sabi ni Ariz na akala ko huminto ang oras nung narinig ko yun.

Sino ba si Sophia? Kaano ano ba siya ni Ariz? Bakit naman nabanggit ni Ariz ang pangalang Sophia pagkatapos niyang makita si Andy? Bakit din kilala ni Ariz si Andy? Bakit Inlove na inlove ako kay Ariz? ay di pala yun kasali. Erase, Kalimutan na nyo yung huli kong sinabi bago yung word na Erase.

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon