◎Chapter Seventeen; Hidden Self

114 30 6
                                    

"If it doesnt break your heart, it isnt love."

"Tsk, tumigil ka nga Karin." Wala sa mood na sabi ko.

Well after lang naman nang nakita kong yun ay pumunta na ako kayla Karin I dont bother to search for those two na nagpapakasaya naman sa buhay nila.

Aggghhh inis! Bakit ba naiinis ako pag naaalala ko ang mga nakikita ko! Im a boy today so I should act as a boy atsaka itong diary na lang na ito ang proproblemahin ko kaysa sa iba pang bagay!

"Bakit ba wala ka sa mood ah, atsaka di naman para sayo yun eh. Binasa ko lang nang malakas itong nakita ko sa google." Nagtatakang sabi ni Karin.

"Aggghhhh basta! Ayokong marinig ang word na love! Nakakabwisit!" Naiinis na sabi ko na may hagis pa nang buhangin sa dagat.

"Sila sophia pala, nahanap mo ba sila?" Tanong ni. Karin

"Tsk, paki ko sa dalawang yun!" Naiiritang sabi ko.

Bakit ba ako naiinis ah?! Bakit?!

"Bakit ba bad mood ka ah." Medyo naiinis nang sabi ni Karin.

"Uy nag L-LQ yung dalawa oh." Rinig ko naman bulong ni Gerald kay Shin, yung totoo bulong ba ang ginagawa nila ah.

"Hindi ako bad mood." Sabi ko kay Karin sabay lusong sa dagat. Naka T-shirt at shorts naman ako alangan naman mag boxershort ako diba.

Lumulutang lang ako ngayon dito sa dagat grabe di pa rin bumabalik ang dalawa. Sinara ko ang aking mga mata at naalala ko nanaman ang nakita ko kanina.

Kitang kita ko pa yung sweetness nila, pero yung tipong nililihim lang nila yung relasyon nila kahit na alam na nang lahat na sila na.

Yakap na para bang kay tagal na nilang di nagkita.

Isang nakakatakot na ngiti na para bang alam na nandoon ako.

At higit sa lahat....

Isang halik na nakakamatay nang puso.

Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Bakit ba ako nasasaktan? Porke ba nalaman kong pinsan ko pala si Ariz switch na ako kay Astrix na may Sophia na, pero parang iba ang feeling ko. I feel na parang hindi siya si Sophia impossible kung di si Sophia yun edi sino siya.

Dinilat ko na ang aking mga mata. Just to see na nasa pampang na pala ako. Kakaisip ko siguro di ko namalayan na binalik na ako nang alon dito sa pampang.

Tumayo ako at hinanap ang iba kaso gamit lang namin ang nandoon at isang sulat.

Dear Shin,

Dahil tulog ka na ata sa dagat ay iniwan ka na namin :P Bahala ka nang makabalik sa mansion haha parusa yan kasi inaway mo si karin ko.

Sincerely yours, Gwapo XD

Kainis toh ah! Alam ko kung sino nagsulat nito sigurado ako na si Noah ang nagsulat nito sino pa ba ang may gusto kay karin edi si Noah.

Tsk, sigurado akong babalik rin ang mga yun iwan ba man gamit nila dito anong akala nila dadalhin ko ito pabalik sa mansion.

Kinuha ko na ang bag ko para bumalik na nang mansion nang may nahulog na isang papel.

Dear Shin,
Umm... Gusto sana kitang gisinging kaso hinila na nila ako nagpanggap na nga lang ako na may kukunin lang tapos ginawa ko itong sulat para sabihin na nag treasure hunt kami.
Pero sisigawan na rin kita ngayon pagkatapos kong gawin itong sulat kung sakali lang na magising ka at para di ko na rin ibigay sayo toh.
Sincerely yours

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon