Weee! XD new cover ng story eh nuh haha wala lang trip ko lang mag gumawa ng bagong cover niya ok po ba? May meaning po ang bago ng cover photo na yan, sana po mahulaan nyo kung ano yun. Well ito na po next chapter sana po magustuhan nyo ^^
__________________
"Sophie tumahan ka na, kanina ka pa umiiyak. Di pa nga tayo nakakapunta doon eh umiiyak ka pa rin." Sabi ni tito habang nag dra-drive siya. Wala pa kami sa bahay nila ate, sa bahay nila talaga. Ang bahay na kung saan lumaki sila ate."Pero ayaw tumigil ng luha ko." Sabi ko at nag u-ubo na kaya uminom ako ng tubig na binigay sa akin ni tito kanina lang. Hanggang sa biglang nag ring ang cellphone ni tito.
"Sophie paki accept nga ng tawag at i-loud speak mo." Sabi ni tito habang busy na nagdra-drive. Tinignan ko kung sino tumatawag at nagulat ako ng makita na si mama este si tita ang mama ni sophie ang tumatawag. Tita na lang ang sasabihin ko tutal hindi ko naman talaga siya mama ni hindi ko pa rin nga alam hanggang ngayon kung sino siya.
"Tito si mama.*Sniff*" Sabi ko.
"Accept mo na." Sabi ni tito kaya ini-slide ko na sa accept at ni loud speak ko na.
"Oh sister in law ba't napatawag ka?" Sabi ni tito.
("Nandito na ako sa bahay ni ate, na saan na ba kayo ni sophie?") Tanong ni tita na kinagulat ko naman. Hinanahanap niya hidni lang si tito kundi pati ako? Himala ata yun. Ilang taon na din kasi na galit siya sa akin na dapat eh dun sa totoong sophie talaga. Hindi ko alam kung anong ginawa niya at hindi na siya kinakausap pa nito o sabihin na natin hindi na ako kinakausap pa muli ni hindi nga bumisita ng na ospital ang anak niya.
"Nasa highway pamrin kami, traffic kasi." Sabi ni tito.
("Ah ganun ba, o sige mag iingat kayo ah. Mamaya na lang ibaba ko na itong tawag") Sabi ni tita.
"Hindi mo ba kaka- bakit binaba mo na." Sabi bigla ni tito kasi ako na nag baba agad ng tawag alam ko na din naman kasi kung ano ang sasabihin niya at alam ko din naman kung anong isasagot ni tita. Hindi ko alam kung bakit ba ako ganito dapat nga wala kong paki kasi ina lang naman siya ni sophie hindi ko naman siya ina pero ang makadama lang ng ganito parang ina ko siya at ganito ang trato niya sa akin wala man lang kamusta ang sakit kaya.
Sa kakatanda sa mga ginagawa ngayon ng ina ni sophie eh bigla na lang kami nakarating sa bahay nila sophia at doon parang nawala sa isipan ko bakit nga ba kami napunta dito. Bumaba ako ng kotse madaming naka itim at puti papasok na kami at doon may nakita akong kabaong sa pinaka dulo. Nag iiyakan silang lahat, nandoon ang ina ni sophia, si ariz ang mama ni sophia at higit sa lahat si sophie na nagpapanggap na sophia ngayon. Doon ko lang naalala muli, wala na si ate. Tumulo na muli ang luha ko at hindi pa kami nakakalapit eh napa upo na ako agad sa may sahig na kinagulat naman ni tito.
"Ate, akala ko galit ka din sa akin *sob* pero sa pamilya na ito ikaw *sob* ikaw lang ang nagmahal sa akin. Hindi na dapat kita dinamay eh. Hindi na eh." Nasabi ko na lang at nag iiyak na, pansin ko nagtitinginan na silang lahat kahit sila tita.
"Sophie tumayo ka na, lumapit ka na sa ina ni shaina para sabihin na nakikiramay ka." Sabi ni tito, ngunit hindi ko magawang lumapit sa kanila nang makita ko na palapit na si mama ay bigla na lang kusang kumilos ang paa ko at tumakbo ako palayo.
Kakatakbo ay nakarating ako bigla sa may playground, playground na pinuntahan lang namin nung nag movie marathon kami. Napaupo na lang ako sa may tabi ng halamanan at nag iiyak.
"Hindi ko kaya pumunta doon, ayaw nang mga paa ko na lumapit sa kanila kahit gusto ng puso ko na makita ang natutulog na si ate ay di ko pa rin magawang lumapit sa kanila." Nasabi ko sa aking sarili sabay angat ng paa ko at yakap sa mga ito saka umiyak lang ng umiyak.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...