◎Chapter FortyOne; Were One

59 5 0
                                    

I feel so crazy thinking about a lot of stuff. Feeling ko sasabog na ang utak ko kakaisip, kaya napahiga na lang ako sa kama at pinikit ang aking mga mata. Nang idinilat ko ang mga mata ko, madilim na ang paligid. Nakahiga lang ako sa may sahig, ano ito? Panaginip ulit? Lalabas kaya siya?



Tumayo ako, naglakad sa kadiliman. Hanggang sa may napansin akong drawer at isang pinto. Lumapit ako doon at napansin ko na may susi sa drawer kaya kinuha ko ito. Kung titignan isa itong susi ng kotse, pero para saan naman ito. Kailangan ko bang mag maneho ng kotse ngayon? Pero panaginip ito diba, ba't kailangan ko pang magmaneho? Sinubukan kong buksan ang drawer kaso nakalock ito, inisip ko baka kasya yung susi kaso hindi. Mukhang pang kotse nga talaga toh.



Binuksan ko na lang ang pinto habang mahigpit na hawak ko ang susi, isang maliwanag na daan ang nakikita ko ngayon sinundan ko ito hanggang sa may nakita akong hagdan pababa kaya naman bumaba ako. Nang nakababa ay may nakita naman akong pinto ulit sa kadiliman na ito. Pumunta na ako agad sa may pinto pagkatapos ay isang gate naman ang nakita ko kaya dali dali kong binuksan ang gate na ito. Hanggang sa makita ko siya. Ang taong di ko alam kung kilala ko pa.



"Kumusta sophie?" Nakangiti na sabi niya.

"Sino ka ba!?" Sigaw ko at nagulat na lang ako bigla sa pagtawa niya.

"Ba't ka tumatawa!" Sigaw ko naman.

"Nakakatawa kasi yung tanong mo, hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na ako si Sophia?" Nagulat naman ako sa sinabi niya. Tama ang kausap ko ngayon ay ang akala ko si Sophia sa panaginip ko, pero dahil sa sinabi niya nawala na ang tanong sa aking isipan. Hindi nga siya si Sophia, kung ganun sino siya?

"Pero yung mga sinabi mo! Kung hindi ikaw si Sophia? Ibigsabihin mali din yung mga sinabi mo! Sino ka ba talaga! Ano ba ang katotohanan!" Gulong gulo na sabi ko.

"You haven't figure out anything at all. Hindi ka nag pro-progress Nariko. Tsk, tsk masama yan, lalo na puno ng mga traydor sa mundong ito." Sabi niya at biglang nawala ang ngiti niya na kinatakot ko naman bigla.

"Isa ka na dun! Isa ka na sa mga traydor na sinasabi mo!" Kahit takot ay nagawa ko pa rin isigaw ang nasa puso ko.

"No, no Nariko. Paano mo naman masasabi na kabilang ako sa kanila? When in fact i'm the one who help you to regain your memories again." Sabi naman niya suot ang isang nakakakilabot na ngiti.

"Stop! Hindi nakatulong ang ginawa mo! Sana di mo na lang pinaalala sa akin! Kung di mo pinaalala edi sana buhay pa si ate hanggang ngayon! Mas gusto ko pang maging Sophie na lang habang buhay." Naiiyak ko ng sabi.

"Pero traydor din siya." Kinabigla ko naman ang sinabi niya.

"Hindi traydor si ate!" Sigaw ko.

"Ano ka ba nako-konsensya lang siya sa mga pinaggagawa ng magpinsan kaya siya naging mabait sayo. Hindi mo pa kasi binabasa yung diary ayan tuloy wala kang ka ide-idea sa mundong ito. Di mo alam pinalilibutan ka ng mga traydor at walang kwentang tao." Sabi niya at nagsimula ng tumalikod.

"Teka! Aalis ka na! Iiwan mo nanaman ako sa ere! Lagi nalang ganito! Bakit di mo na lang ako diretsuhin ah!" Sigaw ko sa kanya.

"Di-diretsuhin na nga kita Nariko, pero hindi dito ang tamang lugar kaya sundan mo na lang ang liwanag na ibibigay ko sayo ah." Sabi niya, gusto ko siyang habulin ngunit bigla na lang siya nawala. Bigla na lang ako nagulat ng biglang may daan na lumiwanag at nakita ko din ang kotse ko.



Sabi niya sundan ko ang liwanag, tatapusin ko na itong lahat! Kaya susundan ko nga itong liwanag! Dali dali akong sumakay ng kotse at sinundan ang liwanag. Hanggang sa nawala na ito kaya naman tumigil na ako sa pagmaneho nito. Bumaba na ako ng kotse at isang liwanag na daan ang biglang lumabas. Kaya naman sinundan ko na ito at sa dulo ng liwanag nandoon siya.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon