Nandito na ang lahat sa may entrance door. Maski ang sophia na si sophie naman talaga ay nandito na din. Dapat lang na sophie na ang itawag sa kanya dahil hindi naman talaga siya si sophia. May dumating nang isang itim na kotse at may bumaba na isang babae na medyo may edad na.
"Hello po mee." Salubong agad ni tita liyah sabay yakap at kiss sa pisngi ng kanyang ina then alis din agad.
"Hello po mom." Bati naman ni tita miyah sabay yakap sa kanyang ina.
"Oh miyah, alam kong di ka ok. Ang bata pa ni shaina para mamatay at alam ko din na ang masakit para sa isang magulang ay makita ang anak na mamatay bago siya." Sabi naman ng kanyang ina sa kanya.
"Hello po lola." Bati naman ng dalawang kambal lang daw sa birthday sabay mano.
"Hi po lola." Bati naman sa kanya ni sophie at mag ma-mano na sana kay lola yumi kaso iniwas ni lola ang kamay niya at napatingin sa akin.
"Oh my! Sophie! Kumusta na ang maganda kong apo." Sabay lapit ni lola yumi sa akin at yakap.
"Medyo ok naman po lola, kayo po kumusta na?" Nasabi ko na lang, kumalas naman siya sa pagka-kayakap sa akin at tinignan ako.
"I see, you must be affected by shaina's death too. Kawawa naman ang apo ko." Sabi ni lola at yakap ulit sa akin. Napaka bait niya sa akin, the way she treat me. I really feel the love from it. Pero ang ginawa niya kay sophie parang di niya ito napansin at binalewala na lang.
"Puntahan na po natin si ate shaina." Nasabi ko na lang dahil walang oras para sa happy reunion kung wala na si ate.
Naglakad na kami ni lola yumi papunta sa kay ate shaina. Nang malapit na ay tinignan ko ang natutulog niyang mukhang.
Ate shaina... Hindi ka na talaga magigising pa kahit ano pang gawin ko. Kung alam ko lang na mamamatay ka sa pagbalik mo edi sana hindi na lang kita hinayaan umalis. Edi sana buhay ka pa...
"Apo ko, ba't mas nauna ka pang nawala kaysa sa lola mo." Umiiyak na sabi ni lola, kaya naman hinimas himas ko ang likod niya. Tama, hindi lang naman ako ang nagluluksa pati ang iba nagluluksa dito kaya dapat hindi ko sila pinag aalala.
Dinamayan ko lang si lola at pina upo na rin nila tita miyah sa may upuan dahil baka mahimatay pa si lola. Kaya naman napatingin ako kay ate shaina. Ate alam ko na di ka matutuwa kung patuloy lang akong magiging malungkot at si tita miyah atsaka si tito... Sinong tito? Sino nga ba ang ama mo ate? Hindi ko maalala, wala akong alam tungkol sa kanya.
"Sophie, umupo ka na din baka mahimatay ka pa ulit." Bulong ni air sa akin.
"One time is enough ok, hindi na ulit mangyayari sa akin yun." Sabi ko naman kay air. Aalis muna ako ate ah, baka may malaman ako kung sino ang pumatay sayo pag bumisita ako sa kwarto mo.
Nag paalam na muna ako kay tita liyah na aakyat sa may taas, nang pumayag na siya ay umakyat na ako. Tinignan ang buong sexond floor kung wala bang tao at nang wala nga akong nakita ay nagsimula na akong tumingin sa bawat kwarto. Wala kasing name tag bawat room kung sino ang owner kaya di ko alam kung saan ang kwarto ni ate. Kakatingin bawat kwarto ay bigla na lang akong nagulat ng may humawak sa balikat ko.
"Anong ginagaa mo? Treasure hunt?" Sabi niya, kaya naman unti unti akong napatingin sa kanya. Si air na parang kanina pa ako sinusundan.
"Naliligaw ako, di ko alam kung saan ang kwarto ko." Nasabi ko na lang na walang utal.
"Nandoon sa kabilang side sa may tabi ng kwarto ni ate shaina." Sabi ni air sabay turo sa may kabilang side ng hallway. Katabi lang pala ng kwarto ko ang hinahanp kong kwarto.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...