Sophie Mcrell * Point Of View *
"Anong Sabi mo!!!!??? Paki ulit nga at baka mali ako ng naririnig."
Oh Hi guys, musta na? Siguro nagtataka kayo at bakit sumisigaw ako sa simula palang chapter. Hmmm nagtataka kayo kung anong nangyari sa last part ng chapter one, then Let's go back at that time before this shocking news came before me.
*Flasback*
BOOM!!!!!!!
Laking gulat ko ng biglang pinasabog nila ang confeti pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng dorm tapos sabay sabi pa ng Welcome sit in.
Ito siguro yung sinasabi ni Karin na ikakagulat ko sa first day ko sa dorm. Hehehe akala ko kung ano na kinakabahan panaman ako kanina. Wala lang din pala itong kaba ko.
Pumasok na ako at masayang masaya ako dahil welcome na welcome talaga nila ako ngayon. Ano kayang mangyayari pag nalaman nila na babae ako? Wag ko na ngang isipin yun nakakakilabot lang isipin.
Masaya ang pagpasok at hinatid na rin ako ng president ng dorm sa magiging kwarto ko, sinabi niya na may dalawa pa akong makakasama sa kwarto pero wag daw akong mag alala dahil may privacy pa rin naman ako kasi separate room kami yung kwarto na may kwarto pa sa loob.
Natural na yun di na dapat ikagulat. Sinabi rin sa akin ni Pres na kulay yellow ang pinto ng kwarto ko, wag daw pasukin ang black at blue door kasi yun ang mga kwarto ng ka room mate ko at binigyan niya ako ng dalawang susi na may ordinary color key at yellow key. Yung ordinary color key ay para sa pinto na ito (yung nasa harap ko ngayon) at ang yellow key ay para sa magiging kwarto ko talaga (Yung bedroom ko.). Umalis na si pres at sinabi na bumaba na daw ako pagkatapos kong ilagay ang gamit ko sa kwarto.
'Ito na yun' bulong ko sa sarili ko na para bang ayaw pang pumasok ng kwarto. Pero kailangan kaya huminga ako ng malalim at akmang bubuksan na ang pinto pero naka lock pala.
'Wala ba yung ka room mate ko, baka nasa baba o wala talaga sila'
Yun na lang ang sinabi ko tapos sinusian ko na lang yung pinto at binuksan na kaso pagbukas ko ay di ako pumasok sinara ko lang agad ang pinto. Nakarinig ako ng malakas na pagbagsak ng isang bagay o mga bagay.
Binuksan ko ulit ang pinto at nakita ko ang mga kalat kalat na basura na galing sa trash bag na muntik ng bumaksak sa akin kung pumasok ako sa loob. Patong patong ang mga trash bag na ito nung nakita ko kaso nung binuksan ko ata ay nakalabog ko kaya bumaksak at bago pa ito bumagsak sa akin ay sinara ko na ang pinto agad.
Ano itong ginawa ko nakalat na tuloy yung mga basura. Pumasok ako sa loob para maghanap ng trash bag kasi nasira yung trash bag na pinaglagyan kanina ng basura. Kaso pagpunta ko ng living room ay na bitawan ko ang hawak kong box. Pano naman kasi mabasura din dito sa living room pumunta ako ng dining area na kung saan nandoon na din yung kitchen kaso ang nakita ko ay mga kalat kalat na utensils anong nangyari dito???
Binuksan ko yung kabinet sa may tabi ng ref at doon may nakita akong trash bag kaya kinuha ko yun agad at sinimulan ng pulutin ang mga kalat kalat na basura sa paligid. Pagkatapos ay niligpit ko yung mga kalat-kalat na utensils at nilapag sa lababo kinuha ko na ang dustpan at walis para maglinis na.
Pagpunta ko ng hallway papunta sa three color door which is yung mga kwarto namin ng room mates ko ay mga kalat-kalat na damit panloob at panlabas ng lalake ang nakita ko bago makapunta doon ay madadaan mo ang c.r, kinuha ko yung nakita kong basket sa c.r at doon nilagay ang mga kalat na damit tapos nandidiri pa nga akong pulutin yun eh, nilagay ko na ito sa c.r na malinis. Ito lang ata ang malinis na part sa bahay na gagamitin namin tatlo.
Di ko alam kung anong oras na, na para bang may nakalimutan akong gawin pero nagulat na lang ako ng may kumatok sa pinto at doon ko naalala na kailangan ko pa lang bumaba kasi may welcome party para sa akin. Pag may ginagawa kasi ako nakakalimutan ko ang ibang bagay na kailangan pang gawin.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...