Tumayo ako sa pagkakahiga ko, napaka lambot ng hinihigaan ko kaso medyo makati siya kaya tinignan ko kung ano yun. Yun pala nakahiga ako sa kamang puro bulaklak. Bed of flowers kung baga.
Umalis na ako sa kamang yun at naglakad ng nakayapak. Sa bawat paghakbang ng aking paa ay nakakarinig ako ng pagpatak ng para bang isang likido. Sa bawat pagyapak ko nararamdaman ko ang malamig na sahig. Hindi ba toh panaginip? Totoo ba ito? Ba't nararamdaman ko ang lamig ng sahig.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad hanggang sa may nakita akong pinto sa may harap kaya pumunta ako dun at binuksan ko ito at dahan dahan sinira, pagkapasok ko sa pinto. Madilim ang paligid at ang tanging banda lang na maliwanag ay ang hagdan pataas kaya umakyat ako at umakyat pa ng umakyat hanggang sa wala na akong maakyatan pa. May nakita akong pinto kaya binuksan ko ito pagbukas ay ramdam ko ang hangin. Gising nga ba talaga ako? Pero bakit ang dilim ng paligid wala akong makita? Pero bakit nararamdaman ko ang hangin at ang malamig na sahig. Naglakad pa ako hanggang sa...
"Wag ka nang tumuloy Soft!" Nakita ko siya sa mismong harapan ko. Ang taong hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ang lahat sa akin. Puro message na lang. Bakit ba hindi na niya sabihin ang lahat.
"Ba't nagpakita ka pa! Message lang naman ulit ang sasabihin mo sa akin diba!? Kailan mo pa ba balak sabihin ng deretso sa akin lahat ah sophia!" Sigaw ko sa kanya.
"Soft magandang paunti unti mo lang nalalaman ang lahat dahil ayoko na bigla ka na lang kumilos tulad ng ginawa mo noon." Sabi ni sophia sa akin.
"Ginawa ko noon? Anong ginawa ko noon ah!" Di ko alam, ba't ba nagigingganito ako? Nalaman ko lang ang tungkol sa akin naging ganito na ako. Si sophia na nga ang tumutulong pero parang siya pa itong masama. Napa upo ako sa sahig at inisip ang mga ugaling pinapakita ko ngayon.
"Pasensiya na soft di ko nasabi agad na di ikaw si sophie. Kasi nung unang beses na sinubukan ko ikwento ang lahat sayo lagi kang umiiyak at nakakalimutan mo ang lahat. Kahit maliit na diretsong impormasyon nga ganun pa rin nagagawa mo at nung sa wakas yung araw na na isip kong message na lang ang ibigay sayo nagtagumpay." Malungkot na paliwanag niya kaya nagtaka naman ako. Laging umiiyak? Di kaya yun yung mga panahon na... "Tama yun yung mga panahon na kakalabas mo lang ng ospital." Biglang sambit nito.
"Pero ba't nakakalimutan ko agad?" Natanong ko na lang.
"Hindi ko din alam eh, kaya nga sinusubukan ko na paunti unting ibigay sayo ang bawat impormasyon. Mukhang gumagana naman, pero hindi maganda yun dahil kumikilos na siya." Sabi niya.
"Kumikilos? Sino? Yung totoong sophie ba?" Tanong ko at tumango naman siya saka sabi na...
"Nalaman na niya kung saang ospital ako naka confine may ginawa siya at muntik na akong mawala."
"Mawala? As in di ka na babalik?" Tanong ko pa at tumango naman siya.
"Edi kailangan kang mailipat kung ganun nga ang nangyari. Kailangan kong magising, paano ako magigising" Natatarantang sambit ko.
"Wag kang mag alala binabantayan ako ni ryo na para bang kapatid niya talaga."
"Satingin ko may rason ba't nangyayari toh. Hindi mo ba pwedeng sabihin sa akin talaga lahat ng directa na. Di kaya kung bakit ka nag ka ganun?" Nasabi ko na lang sa kanya at bigla na lang lumbas itong lungkot na expresyon sa mukha niya.
"Patawarin mo sana ako." Malungkot na sambit nito na pinagtaka ko naman.
"Patawarin? Bakit? May nagawa ka ba?" Tanong ko.
"Patawarin mo ko for having the same mind as you." Sabi nito at biglang naluha pero nakangiti pa rin sa akin.
"Ano bang sinasabi mo diyan?" Nagtatakang tanong ko naman.
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Mystery / ThrillerIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...