Sophie/Shin *POV*
Uggghhhh ang sakit nang ulo ko....
*Tingin sa Paligid*
Na saan ba ako?
Ah oo nga pala nasa vacation house kami nila Astrix ngayon. Pero anong nangyari? Kausap ko lang si Astrix kanina pero nakalimutan ko na ang sunod na nangyari kanina.....
Uggghhh ang sakit pa nang ulo ko. Para bang may mga bagay na pilit pumapasok sa utak ko.
*Tingin sa Bintana*
Eh? Gabi na pala.
Dahan dahan akong tumayo sa kama ko at pumunta sa may bintana. Anong oras na ba? Naghanap ako nang orasan kaso wala naman akong nakita hanggang sa bumukas bigla ang pinto. Hindi ba nila nasara nang maigi? Pumunta ako sa may pinto at isasara ko na sana nang biglang.....
"Sophie..."
Its a voice of a girl. Hindi ko kilala kung sino yun pero parang narinig ko na ang boses niya hindi ko lang alam kung kailan at saan ko narinig ang boses niya.
"Sophie..." Muling sambit nang boses.
"May tao ba diyan?"
Dahan dahan akong lumabas nang kwarto liwanag lang nang buwan ang nagpapaliwanag sa hallway. Nakakatakot ayoko nang ituloy pa ang paglabas ngunit tinawag ulit ako nang boses na yun.
"Sophie...."
Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako pero kahit takot, lumabas ako nang kwarto ko at sinara ko ito pagtingin ko sa may gilid may nakita akong babae dun and she is exactly look like me.
"Sophia?" Ang tanging pangalan na nabanggit ko.
Ngumiti lang siya at biglang nalang tumakbo.
"Teka! Sandali lang!" Sigaw ko at hinabol ko siya.
Pagliko isang napakadilim na hallway ang sumalubong sa akin.
Itutuloy ko pa ba ang pagsunod ko sa kanya?
"Sophie sundan mo ko...." Sabi ulit nang boses
Paano kita susundan kung madilim ang daan na aking tatahakin?
Aatras na sana ako kaso may bigla siyang sinabi at ang sinabi niya ang nagpipilit sa akin na sundan siya.
"Pinangako mo na lagi mo akong susundan diba?" Yun ang sinabi niya.
Susundan ko ba siya? Susundan ko ba siya sa ganitong kadilim na daan?
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Pinikit ko ang aking mga mata at huminga ako nang malalim. Pagkatapos ay dinilat ko na ang aking mga mata.
Kaya ko toh!
Naglakad na ako. Sinimulan ko nang tahakin ang daan na puro kadiliman lang ang aking nakikita.
Nakalipas ang ilang minuto ay lumabas ulit siya.
"Dito.... Dito....." Sabi niya.
Lumapit naman ako sa kanya ngunit pumasok siya agad sa isang kwarto at sinara ito pumunta naman agad ako sa harapan nito at nabasa ko ang painting/statue room.
Dito ulit? Dito ako nanggaling kanina diba?
*Dug, dug.... Dug, dug...*
Bakit ganun ang bilis nang tibok nang puso ko?
Dahan dahan akong pumasok sa kwarto ko at pagkapasok ko ay bigla nalang sumara ang pinto. Napalingon naman ako sa pintuan ngunit nawala naman ito bigla.
Saan napunta ang pinto?
"Wag mo nang alalahanin pa ang pinto. Sundan mo nalang ako." Sabi ulit niya na dahilan naman nang paglingon ko sa kanya.
"Sundan? Sundan saan?"
"Hmmm.... To the last picture?" Nakangiti niyang sabi sabay takbo ulit.
"Sandali! Anong last picture ang sinasabi mo?!" Sigaw ko sa kanya at hinabol ko siya ulit.
Tapos nakita ko ang painting ni Astrix kasama si Sophia. Pumunta ako sa likod nun at isang pinto ang nakita ko.
Parang di ko naman nakita toh kanina.
Binuksan ko ang pinto at pagkakita ko ay isang kwarto na puno nang litrato. Nilibot ko ang tingin at nakita ko ang kamukha ko ay nakatayo sa tabi nang isang litrato.
"Nasolve mo na ba ang message ko sayo?"
"Bago ko sagutin yan sagutin mo muna ang tanong ko, sino ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"You wont know. Unless na solve mo ang message ko sayo."
"Ano ba ang message mo sa akin."
"Should I say it?"
Tumango lang ako.
"* Saan ba ako patungo? *
* Ok pa ba ako? *
* Pero ang toong tanong *
* Hihintayin ba niya ako? *
* Iiwan kaya niya *
* Aalis na kaya siya habang buhay? *"
"Yun ang message mo?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, mukhang di mo pa nasosolve. I'll be back pag na solve mo na ah. So goodbye for now."
Unti unti na siyang nawawala. Madami pa akong gustong itanong sa kanya.
"SANDALI!" Sigaw ko.
Ngunit bigla na lang napadilat ang aking mga mata at ngayon ay nasa kwarto na ako ulit.
Kailangan kong masolve ang message? Siya pala ang laging nagsasabi nun sa panaginip ko. Pag na solve ko ang message makikilala ko siya. Kailangan kong masolve ang message na yun.
Ang message na...
* Saan ba ako patungo? *
* Ok pa ba ako? *
* Pero ang toong tanong *
* Hihintayin ba niya ako? *
* Iiwan kaya niya *
* Aalis na kaya siya habang buhay? *
BINABASA MO ANG
Dalawa Sa Isa (On Hold)
Misterio / SuspensoIt all started with just seeing you. Pero bakit napunta pa sa ganito na kailangan kong mag-ibang anyo para makilala ka. Na dahilan lang pala para makilala ko ulit siya. Nang di inaasahan na di ko na maalala pa sa buhay ko. Na mas mahalaga siya kaysa...