◎Chapter Sixteen; Diary Lock

112 31 5
                                    

"Ummm.... Ano naman connect nang magpamilyang yun sa pagiging magkamukha namin ni sophia?"

"Hayy, sorry ah kasi nung tinatanong ko si Sophia dati ba't kayo magkamukha yun lagi ang kinikwento niya."

Magtatanong pa sana ako kay Karin tungkol sa amin ni Sophia ay bigla na lang may kumatok. Atsaka kinikwento ko daw sa kanya dati?

"I think si Sophia na yun." Sabi ni Karin at tumayo para buksan ang pinto.

Pagbukas ay si Noah pala yun tapos ang ngiti niya napaka todo yung tipong mapupunit na yung pisngi niya sa sobrang lapad nang ngiti, tapos nung nakita ako sumimangot at parang abot lupa na yung simangot niya ang sama pa nang tingin sa akin.

"Uy pare! Anong ginagawa mo dito?" Bati ko sa kanya.

"Tsss.... Ikaw nga dapat tinatanong ko niyan eh. Bakit kayong dalawa lang magkasama dito?" Tanong niya.

"Hmmm.... Nagkwentuhan lang kami. Bakit masama ba yun?" Inosenteng tanong ni Karin.

"Ah sye-syempre hindi." Nauutal na sabi ni Noah.

"Hayy... Sigurado akong hinahanap na kami nang iba kaya ka pumunta dito. So tara na at bumaba na tayo."-Ako

"Hmp, if I know nag eenjoy ka lang ka kwentuhan si Karin."-Noah

"Haha, ang cute nyo naman tara baba na tayo." Tatawa tawa pang sabi ni Karin at nauna nang umalis.

As for me hinila ko palabas nang kwarto si Noah kasi naman eh nawala na ang kaluluwa niya sa mundong ito.

"Hoy Karin!" Tawag ko kay Karin.

"Yes" Sabi ni Karin sabay lingon sa akin. Senenyasan ko naman siya na kunin niya si Noah at mukhang naintindihan naman niya at hinawakan si Noah ayun nabuhay ulit.

"Nandoon na ba ang lahat sa baba?" Tanong ko kay Noah nung nagising na ulit at nageenjoy pa sa paghawak sa kanya ni Karin.

"Ummm... Si Sophia atsaka Astrix wala pa sa baba." Sabi naman ni Noah.

"Ah ako na lang magtatawag sa kanila mauna na kayo ni Karin sa baba." Sabi ko at tumakbo pa alis sa kanila na may wink pa.

^_−☆ Pakasaya ka sana Noah XD

Takbo at takbo dinaanan ko na lahat nang room at ilang minutes na pag takbo saka ko lang napagtanto na naliligaw na pala ako. Saan ba ang room ni Astrix? Siya ang may ari nitong mansion kaya sure ako na sa kaniya yung pinaka malaking kwarto. Tinuloy ko na ang paghahanap sa room ni Astrix hanggang sa marating ko ang sarili kong room.

Well pagod na rin naman akong maglakad kaya napagdecisyunan kong humiga sa kama ko.

Hmm... Kahara family... Kiro Kahara... Yumi Kahara... Miyah Kahara... At si... Liyah Kahara.....Ano naman kayang meron sa magpamilyang yun na dahilan nang pagiging magkamukha namin ni Sophia? Atsaka sa panaginip ko bumisita si Sophia.

*Place Turns Dark*

Eh? Bat ang dilim? Na saan ako? Wala akong makita!

"Relax ka lang, nandito naman ako eh."

"Eh? Sophia ikaw ba yan?"-Ako

"Oo, sino pa ba ine expect mong makikita mo?"

"Ah wala, pero bat di mo kasama si Astrix?"

"Si Astrix? Bakit naman kami magiging magkasama kung tayong dalawa lang ang nandito ngayon?"

"Tayong dalawa lang?"

"Oo tayong dalawa lang ang nandito ngayon sa mundong walang hanggan."

"Ha? Di kita maintindihan."

"Wala na akong masyadong oras nagpakita lang ako para sabihin na tignan ang ilalim para makita ang pinaka importanteng bagay."

"Eh? Ano bang sinasabi mo? Is that some sort of puzzle again."

"Siguro, bye na ah maya maya kasi darating na silang dalawa."

"Teka sandali!"

Nadilat ko ang aking mga mata at agad agad akong tumingin sa ilalim nang kama ko kaso wala naman kung anong nakalagay doon eh. Tinignan ko pang mabuti hanggang sa may napansin akong box na naka tape sa kama.

Agad ko naman itong kinuha at umalis sa kama saka ko binuksan.

Pagkabukas ko ay may isa makapal na notebook or we can say some sort of Diary na may lock at ballpen. Tinanggal ko ito sa box at sinubukan kong buksan yung Diary kaso naka lock pala talaga akala ko desing lang nang Diary na ito.

Sinubukan kong pindutin yung ballpen baka may lumabas na susi bigla kaso ordinary ballpen lang pala yun. Hayy naloko ako -.-

Lumabas na ako nang room ko para hanapin na ulit sila Sophia. May nakita akong isang bukas na pinto sinubukan kong sumilip at nanlaki ang mga mata ko sa mga nakikita ko ngayon.

0_0 Eh? Am I dreaming?

-_- Tama nanaginip lang ako ipipikit ko ang aking mga mata pagdilat ko mawawala na ang nakikita ko.

-_0 Kung yung kabila kaya buksan ko?

0_- Eh? Ganun pa rin!

-_- Pikit

0_0 Bukas

-_- Pikit

0_0 Bukas

Omo! Totoo nga ang mga nakikita ko ngayon. Hindi pwede toh anong nangyayari. Bakit nangyayari toh! Di ko maintindihan parang masisira ang puso ko ngayon sa mga nakikita ko.

Eh? Masisira? Ano bang pinagsasabi ko nababaliw na ba ako. Eh itong mata ko nababaliw na rin ba kasi may kung anong likido ang lumalabas sa mata ko.

Umiiyak ba ako? Impossible bakit ako iiyak. Bakit ako iiyak sa mga nakikita ko ngayon! Bakit ba?! Bakit!

Dalawa Sa Isa (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon